Chapter 6

1143 Words
Ara's POV It's been more than a week since nagstart manligaw si Thomas sakin, he's so sweet and everyday he never failed to show how much he likes me. I'm on my way to La Salle, pagpasok ko pa lang sa gate ay binigyan ako ni manong guard ng isang rose at may note na nakalagay. "Good morning princess :) Smile. I don't want to see you frown" Haaay Thomas, ikaw talaga :) Ganyan siya, simple yet sweet. Alam kong pinitas niya lang yung rose, may tinik pa eh. Mas maganda kung sinamahan niya na ng paso, atleast ayun hindi malalanta diba? Hahaha pero anyway eto ako hindi nanaman mawala ang ngiti sa aking labi. Nakita ko siyang nakatayo sa may entrance ng building namin. Oo nga pala, kaklase ko siya today. He smiled at me, why so gwapo? :"> Thomas: Good morning Ara :) Tara pasok na tayo. Ara: Ang aga mo naman po. Tara. Thomas: Syempre, inaantay kita eh ;) Nagtungo na kami sa aming room. At syempre, magkatabi kami. Wala siyang ibang ginawa kundi titigan ako. Buti hindi siya masyadong kita ng prof namin kundi pinalabas na siguro to dahil hindi siya nakikinig. Pinitik ko ang ilong niya nung tumalikod ang prof namin. Thomas: Aray :( para san ba yun? Ara: Makinig ka kasi, para kang adik jan. Baka matunaw ako, sige ka ikaw din mawawalan :P Thomas: Sige na nga :( Nakinig naman siya after nun haha. Nagdismiss na yung prof namin at naglunch kami ni Thomas sa labas kami ng school kakain. Para daw maiba naman. Dahil nga hindi naman magastos tong taong to ay sa carenderia kami kumain para makamura, dinala ko siya sa madalas kong kainan pag gabi pag hindi kami nagluluto ni Carol. Masarap ang luto ni Ate Ellay pero syempre mas masarap pa rin luto ni Mommy haha. Nakakatuwa si Thomas dahil wala siyang arte sa katawan. Yung trip ko, kayang kaya niya sakyan. Kumain na kami ni Thomas, akala ko makakamura kami, hindi pala. Dahil ang kuya niyo, ayun 3 ulam ang binili. Sa kanya pa lang yun ha, ayaw niya mamigay dahil masarap daw luto ni Ate Ellay :( Pero okay lang, masaya naman akong nakikita siyang ganyan kumain. Unli rice naman dito kaya ayan humirit pa siya ng extra rice. Pang 5 niya na yan baka malugi si ate.  Ara: Huy Thom, hinay hinay lang. Para ka namang hinahabol ng kabayo eh. Naka  5 rice ka na agad samantalang ako mag start pa lang sa pangalawa kong kanin oh. Tignan mo nga yan ang dungis mo kumain hahaha. Pinunasan ko naman yung bibig niya, para naman kasing bata to kumain. Pero I find it cute :) Napansin ko namang para siyang naging estatwa. Ara: Thomas? Thomas: .... Ara: Ubusin mo na yang kinakain mo may klase pa tayo ng 1 :)  Kumain na siya ulit. Sinimot niya yung ulam at kanin niya. Sayang daw kasi kung hindi uubusin. Pero bumili siya ng 1 ulam at 2 kanin na pinabalot niya kay Ate Ellay. Ara: Ahh Thom? Gutom ka pa ba at kailangan mong mag take-out? Di naman kita pinagmamadali ng sobra eh. May konti pa naman tayong oras. Thomas: Ayy hindi :) Busog na ako, para to dun sa 2 bata kanina na nakita kong namamalimos.  Ang bait naman talaga netong Thomas ko ohh.  Ay grabe inangkin ko na agad, hindi ko pa nga siya sinasagot.  Ara: Ohhh bait naman po idol haha. Tara :) Thomas: Loko ka :) Tara, hatid na din kita sa next class mo. Pumunta na kami sa room ko at nagpaalam na ako sa kanya. 5 mins na lang bago mag time kaya umupo na ako sa upuan ko, wala pa naman si mam at wala pa din yung katabi kong dinaig pa si Rey Mysterio sa pagka mysteriosa eh. Maya maya ay dumating na si mam at nagsimulang nagdiscuss. Natapos na lang ang klase ko at hindi pumasok si Mika. Ano kaya nangyari dun? Dahil wala na akong  susunod na klase, napagpasyahan kong dumaan sa park, nandoon kasi yung bilihan ng street foods na may masarap na sawsawan. Nang makarating ako sa park ay bumili muna ako ng palamig. Umupo ako sa may bench at pinagmasdan ko naman ang mga batang naglalaro. Nakakamiss maging bata, walang problema. Ang problema lang na pinoproblema ko noon ay paano magpapaalam kay mommy sa paraang maaawa siya para lang makalabas ng bahay. Good old days. May nakita naman akong nakahood na nakaupo sa may swing. Si Mika ba yun? Aba matindi, hindi pumasok para lang magswing? Adik talaga ata tong taong to. Hinayaan ko na lang siya, baka naman kasi gusto niyang mapag-isa. Nakita kong may lumapit na babae sa kanya, siguro girlfriend niya yun. Lumuhod naman yung babae sa harap ni Mika, nakita kong umiling si Mika at nagtatakbo na yung babae. Akala ko tapos na ang palabas, may isa pang babaeng dumating at sinampal siya. Ang laking gago siguro neto ni Mika at ilang beses na nasampal. Umalis na yung babae at nakita ko yung frustration sa kilos ni Mika. Yumuko siya, kaya't umupo ako sa swing na katabi lang ng inuupuan niya. Ara: Hi Mika. Are you okay? Tanga mo ara, nasampal na nga tapos tatanungin mo kung okay? Ang talino mo dun -__- Mika: I'm fine.  Akmang tatayo na siya kaya't hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya, tumingin siya sa kamay namin, ano problema neto? Tumayo ako at hinatak ko siya. Di man lang siya pumiglas? Dinala ko siya dito kay kuya Tony. Yung street foods na may masarap na sawsawan. Baka sakaling mabawasan pagiging babaero niya haha. joke. Ara: Kain ka lang, sagot ko na. Wag ka ng mahiya at wag mo subukan na tanggihan ako. Baka sundan kita hanggang bahay niyo pag tumanggi ka. Mika: Okay. Tinanggal naman nya ang hood niya, pero nakaharang pa din yung bangs niya. Nakakakita pa ba siya sa haba ng bangs niya? Nakakaloka naman tong taong to. Ara: I-try mo tong sauce ni kuya Tons ha. Masarap yan. Itong food stall niya ang may pinakamasarap na sawsawan sa part na to :) Kumuha siya ng 4 kwek kwek, 10 fishball at 10 kikiam. Oh diba? Ang lupit. Hindi nga talaga nahiya ang ate niyo. 10 pesos ung kwek kwek, 10 din fishball at kikiam. At dahil sa katakawan nya 4 na kwek kwek lang nabili ko, which is kulang dir me :( huhuhu. Triny na din niya yung sauce ni kuya Tons, mukang nasarapan siya kumuha pa ulit ng 4 na kwek kwek. Waaah wag ka na kumuha 50 lang kaya pera ko ngayon. Mali atang niyaya ko pa siya. :( Mika: Salamat Ara. Ara: Walang anuman :) nabusog ka ba? Sana nabusog ka kasi ako hindi eh. Ang takaw mo ba naman. Mika: Sorry.  At bigla na lang siyang umalis. Hala? Joke lang naman yun. Hinabol ko siya para humingi ng sorry. Baka naoffend ko siya eh. Ara: Uyy Mika, sorry po. Joke lang naman pero totoo din talaga yun. Pero okay lang basta nabusog ka. Ako naman nag aya eh. Sinulit mo lang. Hahaha Hindi siya umimik -___- Sabay kaming naglakad. Nakarating na kami sa dorm ko, dito din pala daan niya? Ara: Mika, dito na ko ingat ka pauwi :) Mika: Okay. Salamat Napakacold talaga nung taong yun. Ni hindi man lang din lumingon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD