Chapter 2

781 Words
Ara's POV From school ay dumiretso na ako dito sa dorm, mas gusto kong mahiga kaysa maglakwatsa. Wala pa dito yung roommate ko. San nanaman kaya nagpunta yun. Wala tuloy akong magawa. Minabuti ko nalang maglaro sa cellphone ko, wala naman kaming homework eh. I was playing with my phone. Last level na din naman at isa nalang ang buhay ko. Focus Ara focus. Ayan na! Matatalo ko na yung huling boss. Ayan na ayan na! Waaah! Bakit sa dinami dami ng time eh ngayon pa talaga tumawag kung sino man tong taong to. Hindi kasi nakaregister yung number na nagflash sa screen. Sinagot ko na ang phone.  Ara: Hello? Caller: Hello Ara! Ara: Hmmm. Sino po sila? Sorry ha. Hindi kasi nakaregister yung number mo eh. Caller: Ay grabe! Hindi mo ba kilala boses ko? Ara: Sorry po. Matagal na kasi phone ko. Mejo garalgal na yung boses na naririnig ko. Sorry talaga. Caller: Hahaha! Okay lang :) Si Thomas to. New number ko, hindi ko nasabi kanina dahil nawala sa isip ko. Feeling ko nagrumble ang buong katauhan ko sa sinabi niya. Thomas Torres for real? Tinawagan niya ko. Shems hindi ko dapat ipahalatang kinikilig ako.  Thomas: Uyyy Ara, andyan ka pa ba? Ara: Uyy Thom, andito pa naman ako. Buhay pa naman haha. Bakit ka nga pala napatawag? Thomas: Wala naman, tara gala tayo. Ara: Wala akong pera Thom haha. San mo naman ba balak gumala? Thomas: No money needed, dalhin mo lang sarili mo ako na bahala sayo. Busy ka ba? Kung may ginagawa ka sige wag na baka nakakaistorbo ako eh. Ara: Ang baliw mo Thom! haha. Wala akong ginagawa noh. First day pa lang wala naman, puro introduction lang. Para ka namang bago sa LaSalle. Gagraduate na tayo eh parang first time mo pa lang mag-aaral eh. Thomas: Baka lang naman. Oh  ano go ka ba? Ara: Oo naman! Tara na? Now na. Dali bago pa magbago isip ko! Hahaha. Thomas: Ok daan na lang ako sa dorm mo. I'll be there in a bit. Ara: Ingat ka po. Inend ko na yung tawag. Gala? Sana niyaya na lang niya ako ng date dahil hindi naman ako tatanggi eh. Haaay Thomas, pangarap na lang ba kita? Nakapagbihis na ko at maya maya nga ay tumawag na si Thomas at sinabing nasa tapat na siya ng dorm namin. Bumaba na ako at binigyan siya ng isang matamis na ngiti. Thomas: Tara na :) Ara: San ba tayo pupunta? Wala talaga akong pera as in. Bente pesos lang dala ko hehe. Thomas: Okay lang yan :) Sabi ko nga, sarili mo lang ang kailangan mong dalhin ;) Aba't talaga nga naman may pakindat kindat pa tong si Torres. Di niya ba alam na napakagwapo na niya at hindi na kailangan kumindat dahil lalo siyang gumagwapo?  Ara: Halika na. I'll follow you na lang. Thomas: Tara na Arababy :D. *sabay akbay kay Ara na siyang nagpapula sa pisngi nito.*  Grabe Ara iba ka na. May pablush on blush on ka na! hahaha. Ara: Tungek! Lakad na tayo para hindi gabihin!  Kunyari na lang galit ako, buti na lang hindi niya inisip na kinikilig ako. Nakakahiya talaga. Naglakad lakad na nga kami ni Thomas. Ganun pa rin siya. Walang preno ang bibig sa kakadaldal. Wala talagang dull moments pag kasama ko tong lalaking to. Thomas: Andito na pala tayo eh :) Ara: Anong ginagawa natin sa park? Thomas: Mag-eenjoy :) Tara see-saw tayo. At dahil sa kalokohan ng mokong na to, halos laruin na namin lahat ng andito sa park. Nakakapagod pero at the same time enjoy. Di ko akalain na sa laki ng katawan netong taong to eh may childish side pala siya. Lalong nakakainlove haaay :) 7 pm na nang magdecide kaming umuwi. Naglalakad na kami papuntang dorm. Kwento pa din siya ng kwento. Hindi ba nauubusan ng kwento tong tao na to? Thomas: Andito na pala tayo eh :) Salamat at sinamahan mo ko gumala. Ara: Wala yun ano ka ba. Ako nga dapat ang magpasalamat sayo eh. Kasi sobrang enjoy ako today. Halos ngayon nalang nga ulit ako nakapunta sa children's park. Hehe Thomas: Buti naman at nag enjoy ka. Pasok ka na :) Goodnight. Ara: Goodnight Thom :) Pumasok na ako ng gate, pero nagpasya akong bumalik at tawagin siya. Ara: Thomas!*Tumigil siya sa paglalakad at lumapit sakin.* Thomas: Ano yun Ara? Ara: Ah eh wala naman. th..thank you pala ulit.  Hindi ko mawari kung anong pumasok sa isip ko at bigla ko siyang hinalikan sa pisngi at dali daling nagtatakbo papasok ng dorm. Sheeems. Di ako makapaniwalang nagawa ko yun. Baka kung anong isipin niya. Ang tanga mo Ara malamang magiisip ng iba yun Baliw ka talaga Ara. Nakakahiya. Sa pagmumuni muni ko at biglang tumunog ang cellphone ko, may nagtext ata. Dali dali kong tinignan kung sino ang nagtext. 1 new message From: Thomas Torres Nakaisa ka sakin ah! Hahaha. Goodnight Arababy! See you tomorrow :) :* Hindi na ako nagreply kasi nakakahiya talaga. Hindi ako kumain pero busog na ako l, buong araw ko ba naman halos kasama yung mahal ko. Napatingin naman ako sa kama ng roomie ko. Wala pa din yung mga gamit niya, siguro gumala nanaman yung mokong na yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD