Ara's POV Nagising ako na sobrang bigat ng pakiramdam. Hindi ko alam pano haharapin si Mika. Tumingin ako sa kabilang kama, wala na siya. Napatingin ako sa orasan at nakitang alas Nuebe na pala ng umaga. Palabas na sana ako ng makita kong pumasok si Mika. Mika: Goodmorning daks :) Ara: Ah eh goodmorning din daks. Mika: Kain na, nagluto ako :) Palabas na sana si Mika ng hinawakan ko ang kamay niya. Ara: Daks, yung kagabi... Mika: Ano nangyari kagabi? Hahaha, sorry daks hindi ko matandaan. Ang alam ko din nasa sala ako kagabi eh, ikaw ba naglipat sakin dito? She doesn't remember anything. A part of me was happy dahil hindi siya magiging awkward sakin, pero half of me ay nalungkot dahil hindi ko din alam sa sarili ko bakit ako ganto. Ara: Ah oo. Ang bigat mo nga eh. Mika: Nyeh nyeh

