Chapter 22

1087 Words
Bang's POV Finally! Finally natagpuan ko na ang first love ko. How did that happen? When we were younger, lagi kaming nag lalaro. Grabe noh? Naglaro lang kami nainlove na ako, haha. Pero kidding aside, I really don't know, I thought it was just a puppy love. Vic would always treat me nicely, sa family kasi namin ay hindi ako welcome. Hindi ako welcome kasi anak ako sa labas. Nakilala ko si Ara nung binigay na ako ng nanay ko sa tatay ko. Then I met Vic sa isang playground. Umiiyak ako that time, pero hindi ako yung nadapa sa or binully ng iba. I just feel sad cause I'm missing my mom. Never niya na kasi ako dinalaw simula nung binigay niya ako kay Dad. From then lagi na kami naglalaro ni Ara, pinakilala ko naman kay Ara yung pinsan ko. Pinsan ko siya sa side ni Dad. Nainis ako kasi sila na ang laging magkasama. Feeling ko inagawan ako. Siya na ang laging hinahanap ni Vic, nalungkot ako at nagalit sa pinsan ko, then one day sabi ni Dad aalis na kami. Hindi ako nakapagpaalam kay Vic, kaya hindi ko alam kung naaalala niya pa ako. Simula nung naghighschool ako, dun ko lang narealize na mahal ko si Vic. Hindi siya nawala sa isip ko. I had many relationships, pero kulang talaga. Si Vic pa din ang hinahanap ng puso ko. Sinubukan ko magmahal ng iba pero wala talaga. I'm glad na nakita ko siya last sem. I saw her wearing a DLSU lanyard. I conclude na sa DLSU siya nag-aaral. I tried many times na abangan siya sa gate ng DLSU, but no luck, hindi ko siya nakita. Until one day, that fateful day. I know it's her kaya agad agad ko siyang tinawag. I'm glad na naalala niya pa ako kahit hindi niya natandaan agad ang name ko. I will do everything just to make you mine Ara. Anything. My Love To: Goodmorning Vic! :) Are you free later? From: Yes Bang. Wala naman akong gagawin eh, why? To: What time ka pwede? From: 5 pm uwian na namin. To: Can we have dinner? My treat :) Continue lang natin ang catching up. From: Sure :D San ba tayo mag dinner? To: San mo ba gusto? From: Kahit saan good ako :D To: Sa Jollibee nalang tayo? :D From: Okay lang sakin :D wait Bang text you later andito na yung prof naming eh. To: Okay! See you later :) It's already 5 pm, Itetext ko na siya baka nakalimutan niya eh. My Love To: Hi Vic! You done? From: Yes Bang, Sa Jollibee nalang tayo tmagkita ha. From: See you! Dali dali akong nagpunta sa Jollibee ayaw ko naman malate sa date naming ni Ara. Pagdating ni Ara ay agad kaming umorder at nagkwentuhan ng mga nangyari sa buhay naming simula ng lumipat kami. Nakwento niya na din yung lovelife niya. Sayang pinakawalan siya nung guy. Bang: Sayang naman at hinayaan ka niya mawala. Ara: Walang saying dun. Mas magkakaroon ako ng chance na makakilala pa ng ibang tao na pwedeng mahalin :) Bang: Malay mo kilala mo na, hindi palang kayo nagkakamabutihan :D Ara: Baka nga, pero okay lang din sakin kung matagal pa siya dadating, atleast by that time I'll be mature enough to handle everything. Bang:Wow! Big words Vic. Haha. Ara: Ganyan talaga pag nasaktan. Thankful ako kasi hindi ako pinabayaan ng mga kaibigan ko. Bang: Mahal mo pa? Sana hindi na, para di na ako mahirapan. Ara: Hmmm, oo naman, hindi naman mawawala yun eh. Once na minahal mo ang isang taong, habang buhay mo na yang mahal. You cannot unlove a person. Yan yung paniniwala ko. Bang: Hindi ko magets Vic. Ara: Ganito kasi yan, para sakin lang naman to ha, yung taong minahal mo will always have a special place in your heart. Hindi na yan mawawala, mababawasan lang, until dumating yung time na masasabi mong wala na, pero ang totoo niyan the feeling you had for that someone will always be with you. Matatabunan lang ng bago mong mamahalin. Bang: Ang deep Vic haha. Malapit ka na bam aka move on? Ara: I think I had move on, kahit pa sabihin kong mahal ko siya, hindi naman na ako umaasa. Bang: Mahal mo pa pala eh, bat ayaw mo bigyan ng chance? Sige Bang, saktan mo ang sarili mo. Napatingin ako sa labas, naulan na pala. Ara: Hindi porket mahal mo pa, dapat pang bigyan ng chance :) Bang: Grabe ang deep. Iba na pala tong kaibigan ko. Pwede na atang love guru. Ara: Baliw haha, tara na. 8 pm na din eh. Bang: Sige tara. May payong ka ba? Ara: Meron naman. Kanina pa ba naulan? Bang: Oo ata. Tara na Naghiwalay na kami ni Vic since magkaiba naman ang way namin. My Love To: Ingat Victo! I had fun :D From: Me too. Take care Bang :) To: I will Vic :) Haaay Vic Ara's POV Pauwi na ako galing sa dinner naming ni Bang, chineck ko ang phone ko at saktong nagtext siya, nagreply naman ako. May 3 missed calls at 5 text lahat yun galing kay daks. Tangkad (6:00 pm) Daks san ka na? (6:05 pm) Daaaaaks! (6:30 pm) Mith you na daaaks uwi ka na! Pasalubong ko ha. (7:00 pm) Hey bat hindi mo sinasagot phone mo? Nag aalala kaya ako (7:30 pm) Nakakainis ka! Halaaa, bakit kaya? Matext nga si daks. Wow. Just wow.  Biglang namatay ang cellphone ko. Napakalupit ng timing.Makauwi na nga sa dorm.  Pagkarating ko naman ng dorm ay naabutan ko si Carol sa sala na nanunuod. Ara: Hi Carol. Carol: Uyy Vic, kumain ka na ba? Ara: Ah, oo eh. Si Yeye? Carol: Ha? Umalis siya kanina. Ara: Ay ganun ba sige charge muna ako saglit tapos tawagan ko nalang siya. 8:30 na din pala. Chinarge ko na ang phone ko at nahiga muna. Naalimpungatan ako. 11 na pala napasarap tulog ko. Di pala nagcharge ang phone ko, ba yan! Napatingin ako sa kama ni Yeye, wala siya. Baka nasa labas. Ara: Ye? Ye... dakssss! Cienne: Wala pa si Yeye Ars. Kanina ko pa tinatawagan hindi macontact. Ara: Ha? San naman kayo nagsuot yung babaeng yun.  *Ding dong* Cienne: Ako na magbubukas. Cienne: Ye! Ano ba yan basang basa ka! Mika: Si Ara? Cienne: Kanina pa siya andito. Mika: Mabuti naman. Cienne: Ara! Ara! Dali dali naman akong tumakbo ng marinig ko ang pangalan ko. Ara: Cienne bakit? Cienne: Si Mika! Dali! Nakita ko si Mika na basang basa at walang malay. Kumuha ako ng tuwalya at pinatuyo namin siya ni Cienne. Ginising siya ni Cienne at pinagbihis. Ang tibay talaga ni Mika nakayanan niya pa yun. Cienne: Ara, ang init ni Mika. Kumuha ka ng bimpo dun at malamig na tubig. Sinunod ko naman si Cienne, pagbalik ko ay nakabihis na si Mika. Cienne: Ano ba yan Ye, bat ka ba kasi nagpaulan. Sira na ba talaga yang tuktok mo? Kasalanan ko ata to eh. Ughhh Mika naman kasi!  Cienne: Ara, bantayan mo nalang si Yeye ha. Matutulog na ako, ikaw na bahala. Ara: Sige Cienney. Mika: Da..a.a.a.aaks.. Ara: Andito na ako daks, pahinga ka na. Mika: Wag mo na ulit uulitin yun ha. Pinag-alala mo ako. Ara: Tulog ka na daks.  Nakita ko namang nilalamig siya ng sobra kaya't tinabihan ko siya at niyakap. Pagaling ka na Ye.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD