Kinabukasan ay daddy ni Keith ang naghatid sa kanya sa University, nakita pa sila ni Steven ng ibaba siya nito sa tapat ng gate. Sinabayan niya ito sa paglakad.
"O Steven, san ka galing?" Pagtataka nito dahil galing ng labas ng school at naglalakad lang.
"Bumili ng coffee" inabot pa nito ang isa kay Keith at ang dalang sandwich.
"Patatabain mo talaga ako no"
"Oo naman" napangiti lang si Keith saka inabot ang coffee na hawak ni Steven.
"Im glad na okay na kayo ng daddy at mommy mo" sabi ni Steven na Lalong nagpangiti kay Keith.
"Pinaiyak nga nila ko eh, maga ba mata ko?" Humarap pa si Keith sa kanya para ipakita ang mata.
"Akala ko ba ayaw mong ipaalam sa iba na nanliligaw ako sayo? Bakit pati pag aming.." biglang pinigilan siya ni Keith sa pagsasalita. Hiyang hiya siya ng maalala niya yung mga sinabi niya.
"Mauna na ko" nagmamadaling lakad pa nito.
Hahabulin sana ni Steven si Keith pero naharang siya nila Paul at Drex.
"Steven, samin ba yan?" Sabi ni Paul sabay akbay sa kanya.
"Asa ka"
"Patingin nga" kinuha naman ni Drex yung dala niyang sandwich.
"Panira kayo" sabi ni Steven saka iniabot pa ang coffee.
"At talagang inannouce mo pa sa lahat na nililigawan ka ni steven ha" ito ang binungad ni Selene matapos harangin si Keith habang papunta ng auditorium.
"Tanungin mo si Drex sya ang may kasalanan hindi ako" sabi niya dito.
"Naniniwala ka talaga kay Steven?" Pangiinis pa nito sa kanya.
"Between you and Steven? Mas naniniwala ako sa kanya" sabi naman ni Keith sa kanya.
"How dare you said that" inis na sabi ni Selene.
"Sinagot ko lang ang tanong mo"
Inis na inis si Selene at bigla siya nitong sinabunutan, papunta na rin sila Paul, Drex at Steven ng makita sila.
"Aray, ano ba" saka hinablot din ni Keith ang buhok ni Selene.
"Tigilan mo na si Steven" sabi pa ni Selene sa kanya. Napatakbo sila Steven sa kanila para umawat.
"Hoy, tama na yan" awat ni Drex sa kanila. Hinawakan ni Steven si Keith, samantalang nilayo naman ni Paul si Selene.
"She started it first" sabi pa ni Selene ng makita si Steven.
"Nakita ka namin Selene" sabi pa ni Paul.
"So, pinagtutulungan niyo na ko, fine! All of you I hate you, i don't wanna be friends with you" saka ito padabog na umalis.
Inabutan ng tubig ni Steven si Keith, nakaupo na sila sa loob ng auditorium.
"Thanks" sabi pa nito.
"Pinipigilan mo ako makipag away tapos ikaw makikipagsabunutan" naptingin pa si Keith kay Steven.
"Alam mo kasalanan mo yun eh"
"Ako?"
"Oo, pa fall ka kase masyado" sabay irap pa nito kay Steven.
"Pwede bang ikaw na lang yung ma fall" napangiti pa nitong sabi.
"Hoy, tama na yang pambobola mo, umakyat ka na dito!" Sigaw ni Tristan kay Steven habang nasa stage at nagpapractice.
"Hindi ako katulad mo, bolero" saka kumindat pa kay Keith si Steven bago umakyat ng stage, napangit pa si Keith kahit nahiya sa ginawa nito.
Kinabukasan busy ang lahat para sa gagawing musical play nila. Nakapag ayos na rin sila Keith Steven at ang ibang cast. Marami ang nanood ng musical play nila at halos magtilian pa ang iba kapag lumalabas si Steven sa stage. Naghiyawan pa sila ng sumayaw din si Keith at Steven.
Sa last part ng play, naka suot ng gown si Keith, habang naglalakad sya palapit kay Steven, napangiti sya dahil napakaganda nito sa suot niya. Hindi niya mapigilan na titigan si Keith, at muntik pa nga niya makalimutan ang lines niya. Ngumiti lang ito sa kanya kaya tila bumalik siya sa katinuan. "Thank you for coming into my life.. I love you and will always be.." Saka yumakap si Keith sa kanya. Nagpalakpakan ang mga nanood sa kanila, proud na proud ang parents ni Keith at kuya niya habang sumasabay sa pag palakpak sa mga tao.
"I love you" sabi ni Keith habang nakayakap kay Steven.
Nagulat pa si Steven sa sinabi ni keith, inilayo niya ng konti si Keith at pinagmasdan.
"Anong sabi mo?" Tanong nito
"Yes, I love you" nakangiti nitong sabi.
Biglang dinampian ng halik ni Steven sa lips si Keith. Nagkagulo pa ang lahat ng nanonood at lalong lumakas ang hiyawan, pero ang daddy ni Keith napahinto ng palakpak. Natawa pa si Carl at tinuro ang daddy nila ng mapatingin si Keith sa kanila.
Ng makapagbihis na sila at nag alisan na mga audience, sila nalang naiwan cast and staff sa auditorium.
"Congrtulation guys for a job well done!" Bungad ni Ms. Toni sa kanila.
Nagpalakpakan pa silang lahat.
"And Steven yung last part, wala sa script yun ah" sabi pa nito.
"Po? Akala ko meron Ma'am?" Sagot niya dito, napatingin pa kay Keith na nagblush.
"Thank you guys, I won't forget this years Musical Play. Sold out ang ticket, highest likes and shares sa lahat ng nahawakan ko. You two and the rest of you did it right. Im so proud of you guys. Thank you somuch" masayang sabi ni Ms. Toni sa kanila.
Lumapit pa silang lahat ska yumakap kay Ms. Toni. Napaiyak pa ito ng mag abot ng flowers si Steven.
Paghatid ni Steven kila Keith, nakahinto pa sila sa harap ng gate. Kabadong kabado si Steven dahil gusto siyang makausap ng daddy ni Keith.
"Okay ka lang?" Tanong pa ni Keith.
"Alam mo ba na kabado ako kung paano magpapaliwanag sayo na hindi ko naman niligawan si Selenw, tapos mas kinabahan ako ng kausapin ako ng Kuya mo. Ngayon mas matindi yung kaba ko"
Natawa pa si Keith sa sinabi ni Steven, hinawakan niya ito sa kamay.
"Mabait naman si daddy, so don't worry too much"
"Sana maging okay ako sa kanya" napabuntong hininga pa si Steven bago sila pumasok sa loob.
Nasa living room ang daddy, mommy at Kuya ni Keith ng pumasok sila.
"Goodevening po" bungad agad ni Steven sa kanila.
Ngumiti naman sa kanya ang parents ni Keith, kaya medyo gumaan ang pakirmdam niya. Hindi man niya alam kung paano makukuha ng buo nag loob ng mga ito ay willing naman siyang gawin ang lahat para kay Keith. Papatunayan niya sa kanila na Mahal na mahal niya ito.
Tumingin pa si Steven kay Keith ng hawakan nito ang kamay niya.
"Daddy, Mommy, boyfriend ko po si Steven" nakangitipa nitong sabi.
"Ipakita mo nga sakin ang script kung kasama talaga yung last part na yun" sabi pa ng daddy ni Keith na lalong kinahiya ni Steven.
"Dad..."
"I'm sorry po" nahihiya pang sabi ni Steven.
"Finally, we've met you.." lumapit pa ang mommy ni Keith at nakipagshakehands kay Steven.
"Dahil si daddy ang nag insist ng dinner, wag ka mag alala meaning nyan boto siya sayo" sabi pa ni Carl.
"Wala akong sinasabi" saka lumapit kay Steven.
"Siguraduhin mong seryoso ka sa anak ko at hindi mo siya paiiyakin" sabi pa nito kay Steven saka nakipagkamay.
"Yes po" nakangiti pa nitong sabi.
Napangiti na rin si Keith, alam naman niya na magkakakilala din ng husto ang family niya at si Steven. Masayang masaya siya ngayon, bukod sa maganda na ralationship niya with her mom and dad, meron pa siyang boyfriend na bukod sa gwapo na mabait na talented pa. Magkahawak kamay pa silang sumunod papunta ng dinning room.