Nagwawala ang mga ito habang hinuhuli ng mga pulis, si Aisyah ay halata parin sa mukha nito ang iniindang sakit ng katawan na dulot ng sagupaan nila kanina sa cr. Alam niya na masakit lalo ang mga kalamnan nito dahil punong puno ng gigil ang kanyang mga suntok na pinakawalan dito. Masaya siya sa kinalabasan ng lahat. "Tiyak na ang kulong sa dalawang iyon." Sabi ni Dos na nakatingin din sa ginawang pag aresto sa mga babae. Sana lang ay magsilbing aral sa mga ito na maging mabuting tao na. Di naman kabawasan sa pagkatao ng isang tao ang malamangan ng ibang tao dahil wala namang perpekto sa mundo. There is always someone better than you, kahit gaano kapa ka galing at ka ganda. Di naman din masama kung maging makatao parin sa kabila ng mga nangyayari na kasamaan sa paligid, o kahit na may

