Papaliko na siya sa kabilang bahagi ng kubo matapos na i shut down ang CCTV camera nang makita niya sa kanyang human indicator ang limang tao na nasa gilid lang halos ng kubo na kanyang binabaan. Ganun nalang ang pagsasal ng t***k ng kanyang dibdib, iba ang blinker ng human indicator nila if kalaban at kakampi, ang kulay ng blinker pag kalaban ay pula pag kakampi ay blue. Nang sipatin niya ay pawang kulay pula ang mga iyon, napamura siya ng ilang ulit na nagkubli sa isang puno. Ang iniisip niya ay kung paano kung kagaya nila ay gumamit din ng human indicator ang mga ito, tiyak na masusukol siya ng mga ito. Pinagmasdan niya ang kilos ng lima mula sa human indicator niya. Di siya pwedeng magpadalos dalos ng kanyang kilos lalo at malayo ang kanyang back up. Bukod pa sa baguhan din na kagaya

