Dala ng kagipitan niya ay kahit yata sa marawi siya ipadala ay papatusin niya, alam niyang labis na mapanganib ang kanyang magiging misyon. Mag isa siyang lalakad sa misyon na iyon, dahil nga sa mapanganib ay kinakailangan niya munang magsanay ng ilang araw o ilang linggo minsan inaabot pa nga ng isang buwan. Lalo na kung mga misyon na kinakailangan pa na aralin ang kilos ng mga lokal at ng mismong mga kalaban. Habang nag training or nagkakalap ng mga impormasyon ay makukuha na ng isang agent ang kalahati ng bayad ng napag usapan sa kontrata plus allowance at expenses. Malaking halaga din yun lalo at umabot ng mahigit isang daang libong piso, pagkakuha na pagkakuha niya ng kanyang allowance ay kaagad niyang ibinayad kay Ryon ang fifty thousand na kulang, sa bangko nito mismo niya ipinada

