RYE 5

2520 Words
Nang mga sumunod na araw ay naging abala sila sa pag aayos ng bahay nilang magkapatid, itinago nila ang pera nila sa malaking teddy bear na nabili nila. Sinadya niya talagang bilhin yun upang doon itago ang mga natira nilang pera. Pinataasan nila ang flooring ng bahay ng kalahating metro mula sa lupa. Pina semento nila ang dingding ng kalahati at parang yero naman ang sa taas na bahagi. Maging ang bubong ay pinalitan nila, kinakabahan pa siya dahil malaki laki na ang nagagastos nila sa pagpapagawa. Inuna na niya ang pagpapatayo ng maliit na tindahan sa harap ng bahay. Inuna na niya na ma flooring ang sahig para naman di lupa ang aapakan nila. "Pasensya na po kayo Tatay Romy ipapahinto po namin ang pagpapagawa muna ng bahay, wala na po kasi kaming budget." Sabi niya sa pumakyaw ng flooring nila at sa mga bintana. Wala silang mga gamit pa sa bahay kagaya ng mga upoan at lamesa. May ilang kaldero lang at pinggan sila, wala naman problema sa kanila iyon lalo at sanay naman sila na walang wala talaga. "Naku e, wala hong problema Neng Jana. Mabuti nga ho at nagsabi kayo ng maaga at maayos, di kagaya ng iba na pinagtatrabaho lang kami tapos di na binabayaran." Sabi nito. Nasa singkwenta mel pa naman ang pera nila, pero inilalaan niya iyon sa kanilang mga gastusin at sa kanilang pagtatayo ng tindahan. Kinakailangan nilang maging wais sa pag gasta ngayon lalo at pareho silang walang trabaho. At dahil siya ang mas matanda sa kanilang dalawa ay siya ang nakatuka sa pag budget ng kanilang pera. Kinakailangan niyang pagkasyahin ang ilang libo sa loob ng isang buwan. Dahil sanay naman sila sa hirap ay kayang kaya nila ang mga tipid na ulam, ang mahalaga ay may kanin sila, dati nga ay maski kanin sumasala pa silang dalawa lalo pag may tupak ang kanilang tiyahin. Sanay sila sa asin o di kaya mantika na inilalagay sa kanin at nilalagyan ng asin. Kahit papaano ngayon ay may Itlog at noodles silang nasasandalan at pag umaga ay namamalengke siya nakakakuha siya ng mas mura na mga gulay sa palengke. "Mas gusto ko na ngayon ang buhay natin Ate, payapa na at nakakakilos na tayo ng malaya. " Sabi nito na nakangiting nakamasid sa bagay na kanilang ipinagawa. Nagagawa na niyang bilhan ng gamit ang bahay nila. Kumbaga ay siya na ang nasusunod sa kung paano niya gustong ayusin ang lahat sa bahay. Wala na ding nananakit sa kanilang magkapatid ngayon. "Pero wag din nating abusohin ang kalayaan na meron tayo. " Sabi niya dito. Nag imbak sila ng bigas sa bahay, tatlong sako ang kanilang binili bilang pang sarili nilang pagkain. Marami ding laman ang kanilang lagayan ng mga grocery, mga kape at biscuit, may mga kandila para sa panahon ng kalamidad ay di na sila magkaka problema pa. "May bagyo daw na paparating Ate, malakas daw yun. " Sabi ng kapatid niya na ikinalingon niya dito. Madalas noon pag bagyo ay lumilikas sila, ngayon ay malayo na sila sa kanilang probinsya at malayo sa dagat. "Di naman dito binabaha kaya kalmado lang tayo, may puno diyan sa likod tapyasin nalang natin ang mga sanga para di na makapinsala kung dumating ang malakas na hangin na dala ng bagyo." Sabi niya dito. At gaya ng kanilang napag usapan ay nagtabas sila ng sanga ng puno sa likod bahay. Nilagyan nila ng maayos na bakod ang harap ng bahay, kaya naman ay safe sila sa loob niyon, di rin sila prone sa sunog dahil may malaking espasyo sa pagitan ng bahay nila at ng kapitbahay. Maayos nilang natabas ang mga sanga kahit na nag uumpisa na ang pag kulimlim ng kapaligiran. May maliit silang tv na nabili at yun ang libangan nilang dalawa, dahil salat sila noon sa ganun ay halos ilang gabi din na nagpupuyat silang dalawa sa kakanood ng tv. Pero ngayon na medyo sanay na ay pili nalang ang oras na nanonood silang dalawa. Pag hapon ay magkatulong silang nag garden sa likodbahay at sa gilid ng bahay nila, matataba ang mga tanim nila na di na nila kinakailangan pa na bumili ng kanilang mga maiuulam dahil sa gulay palang nila ay sagana na sila. Pinitas na nila ang mga bunga na pwede nang mapakinabangan. Hapon na nang mag umpisa na mag ikot ang barangay upang magbigay ng babala na malakas diumano ang bagyo na paparating. Pinag hahanda sila sa posibilidad ng pag brown out at ang posibleng pagtaas daw ng tubig sa sapa na nasa dulong bahagi ng eskinita. Sabi ng isang kapitbahay na nakausap niya ay minsan nang umabot sa kalsada ang baha, sa may labasan nung may dumaan na napakalakas na bagyo. Ayon sa kapitbahay na iyon ay mistulang malawak daw na dagat ang sa dulong bahagi. Kung nagkataon na doon sila nakahanap ng kanilang apartment ay baka maaabutan din sila ng baha, lalo na pag ganito na masama ang panahon. Ang kanilang bahay ay nakataas sa lupa ng kalahating metro, pero ayaw niyang magpakakampante. Lalo at di naman nila alam ang posibleng mangyari sa ganitong mga pagsubok na dulot ng kalikasan. Matibay ang mga haligi at ang mga pundasyon ng bahay, pinapalitan nila ang mga tapayan at ang bubong ng bahay may bahagi ng bahay na semento ang bubong. Ang bahagi ng isang bakanting silid sa kusina, ginawa nilang taguan ng mga grocery at bigas nila ang silid na iyon. Pantay din ito sa flooring ng sahig ng kanilang dalawang silid. Itinaas nila ng dalawang hagdan mula sa sala ang flooring ng kanilang silid. Nakalagay sa hanging cabinet ang mga iyon maliban sa bigas na ipinatong lang nila sa upoan. Takipsilim nang mag umpisa nang bumuhos ang malakas na ulan at ang malalakas na sipol ng hangin. Isang superbagyo ang nagbabadya, nakapag luto na siya ng kanilang pagkain na magkapatid. Kinakabog naman ng kaba ang kanyang dibdib nang mga sandaling iyon lalo at sa lakas ng hangin ay mukhang nagliparan na ang mga bubong ng kanilang mga kapitbahay. Medyo napapagitnaan sila ng mga matataas na mga bahay, ang katabi nila sa kaliwa ay tatlong palapag na bahay, sa kanan naman ay ang dalawang palapag na hardware, sa likod naman nila ay mataas na pader at ang sa harap ay kalsada at tatlong palapag din kaya tagong tago sila sa mga malalakas na hangin. Presko lang ang kanilang kinaroroonan dahil ang kabilang bahagi ng katapat nilang bahay ay bakanti ang malapad na lote. Pero tago parin sila sa malalakas na hangin na dulot ng bagyo. "Josh mag ipon ka ng tubig sa malaking drum sa likod at punoin mo na din ang para sa inumin natin na mga lagayan." Sabi niya dito. Agad naman itong tumalima sa kanyang utos lalo na nang makita nito ang ginagawa niyang pagtatanggal ng mga damit na nakasampay, palakas na ang hangin at baka mailipad pa sa kung saan ang kapiranggot nilang damit. Tig anim na paris ang kanilang damit na dalawa, mas marami lang ang kanyang underwear dahil aksayado siya sa panty pag may buwanang dalaw siya. Nang matapos siya sa kanyang ginagawa ay inilabas na niya ang kandila, maging ang chargeable emergency light at ang flashlight. "Ate parang nakakatakot ang sipol ng hangin." Sabi ng kapatid niya na naglatag ng kutson nito sa may sala. Doon sila natulog nung mga nakaraang araw dahil nanonood sila ng tv. May kama na naman sila sa kani kanilang silid pero mas gusto nilang sa sala dahil pwede silang manood habang nakahiga na. "Kaya nga e, nakakatakot pero safe naman na ang bahay natin na to. Di na natin kailangan pa na lumikas dahil mataas naman ang sahig natin. Kailangan daw nating maging handa sa brown out, sabi ni Ate Digna diyan ay brown out palagi pag bagyo dito dahil sa bahain ang sa dulo nitong kalye." Sabi niya sa kapatid. "Mabuti nalang pala te no at naisip natin na kuhanin ang pasangla na ito, marahil kung hindi ay baka sa dulo na tayo nakahanap ng apartment natin." Sabi ng kapatid niya. Muli namang nanumbalik sa kanyang isipan at balintataw ang lalaki na estranghero na tumulong sa kanila. Kung hindi ito nagbigay ng malaking halaga sa kanila ay tiyak na walang wala na sila ngayon. Di rin siguro nila makukuha ang lote at di rin makakapatayo ng bahay na ganito. Malaki ang utang na loob niya sa lalaking may uwak na tattoo sa leeg at braso. "Kaya nga, mabuti din at binigyan tayo ng pera ng estranghero na lalaki. Malaking tulong ang ibinigay niyang pera sa atin para makapag simula tayo ng maayos. " Sabi ng kapatid niya. "Paano nalang kaya kung wala ang pera na ibinigay niya? " Tanong niya dito. "Baka nung isang linggo pa tayo naghahagilap ng makakain natin. " Natatawang sabi ng kapatid niya. Batid yang totoo ang sinabing iyon ng kapatid. Alas dyes ng gabi nang lalong lumakas ang ulan at ang biglang pag brown out, kung kanina ay malakas na ang hangin ngayon ay para na silang namimingi sa sipol ng hangin at tunog ng mga yero na nagliparan sa labas. "Maliligo lang ako, lumipat kana sa kwarto mo at baka tumaas ang tubig at least mas mataas ang flooring ng sa kwarto natin." Sabi niya sa kapatid na mukhang di na niya kailangan pang pilitin dahil bitbit na nito ang kutson at ang unan at kumot nito. "Ang tibay mo naman te bumabagyo na at lahat e nagagawa mo paring maligo kahit na napakalamig ng panahon." Iiling iling na sabi nito. Simula nung nalipat sila ay ganun na siya palagi, noon kasing kasama pa nila ang tiyuhin at tiyahin nila ay di niya pwedeng gawin iyon lalo at duda siya sa asawa ng kanyang Tita. Parang di ito gagawa ng mabuti at natatakot siyang ma rape kaya kahit nanlalagkit na ang katawan niya ay pinipigilan niya nalang ang sarili niya, pero ngayon na malaya na sila, ginagawa na niya iyon at parang di buo ang kanyang araw pag di siya nakakaligo sa gabi bago matulog. "Nanlalagkit nga kasi ako, o siya maliligo na ako, di naman ako tatagal sa loob dahil malamig." Sabi niya na tumalikod na. Bagamat malakas ang ulan at ang hangin sa labas ay nanatiling maligamgam ang tubig mula sa gripo. Malamang ay ang imbak pa na tubig sa mga hose ang tumutulo, nag imbak na din sila ng tubig kaya naman ay wala na silang gaanong isipin pa. Nasa kalagitnaan siya ng kanyang paliligo nang naulinigan niya ang tila nag uusap sa labas. Alam naman niya na di basta basta bago nagpapapasok ang kapatid ng ibang tao sa bahay nila lalo at dalawa lang sila. Mamaya maya ay narinig na niya ang sunod sunod na katok sa pinto ng cr nila. "Ate bilisan mo diyan tulongan mo ako!" Dinig niyang sabi ng kapatid niya kaya kahit di pa nakabihis ay dali dali na siyang lumabas ng cr nang naka tapis lang. Parang lumipad ang kanyang espirito nang marinig ang boses ng kapatid niya at ang tila ba ay pagkataranta sa boses nitong iyon. Pakiramdam niya ay may masamang nangyari sa labas, kaya walang pag aalinlangan na lumabas siya ng Cr. "Anong nangyari?" Tanong niya pagkalabas niya. "Siya kasi Ate e may sugat!" Sabi ng kapatid sabay turo sa dugoan na lalaki na nakaupo sa may upoan nila. Napatulala naman siya nang matitigan ang mukha ng lalaki, di siya maaring magkamali. Ito ang lalaking nagligtas sa kanila noon,ito din ang lalaking dahilan kung bakit nandun sila sa lugar na iyon. Kaya di na nakapagtataka pa na kaagad na pinapasok ng kapatid niya ang lalaki. Malaki ang utang na loob nila dito dahil sa nangyari noon, malamang ay napariwara na siya ngayon kung di siya nito iniligtas noon. Ang malaking palaisipan sa kanya ay kung ano ang nangyari dito? Mukhang di naman malala ang sugat nito. "Bigla kasi siyang nawalan ng malay ate nang paupoin ko na." Paliwanag ng kapatid niya sa kanya. "Ano kaya ang nangyari sa kanya?" Naisatinig niya, napatitig na naman siya sa tattoo nito na nasa leeg nito. Di man niya makita ng buo ay nakikita parin ang ibang bahagi ng Tattoo nito. Alam niyang di pangkaraniwan ang lalaki dahil masyadong misteryuso ang napapaloob sa mga mata nito, mga mata na di mo man lang mabasa kung ano ang nakapaloob. "Baka natamaan ng mga nagliliparan na yero sa daan. Halatang bago palang ang sugat e." Sabi ng kapatid na itinuro ang dumudugo pa na sugat sa balikat nito at sa ulo. "Oo nga no? Halika buhatin natin para mapalitan ng damit at basang basa siya." Sabi niya sa kapatid. Naalala niyang may nabili silang malaking tshirt na ayaw isuot ni Josh dahil para daw itong naka duster. May boxer din na dalawa na di kasya sa kapatid niya at iyon ang kanilang ipapasuot sa lalaki. "Teka kukunin ko muna ang damit na malaki na nabili natin, kakasya yun sa kanya at malaking lalaki naman siya." Sabi niya dito. Mabilis siyang pumasok sa silid niya kung saan niya inilagay ang damit na sinasabi niya. Nagsuot na din siya ng bestida at panty at baka ma disgrasya ang tuwalya niya na tapis. Mabilis na binalikan ang kapatid niya at ang lalaki na hanggang sa mga sandaling iyon ay di parin nila alam ang pangalan. Pahirapan ang kanilang pagpapalit ng damit dito dahil nakapantalon pa ito. Di rin naman nila pwedeng patulogin ng basa ang lalaki at baka sila pa ang maging dahilan ng pagkakasakit nito, at napakawalang utang na loob naman nila kung pababayaan nila ito, gayung iniligtas sila nito di lang sa kamay ni Tugro at ng kanilang tiyuhin kundi nailigtas din sila nito sa kagutoman. Ang pera na kanilang kinakain at pinanggagastos ay ang pera nito na ibinigay sa kanila. So kung iisipin ay ito ang bumubuhay sa kanilang magkapatid, kaya ang pag aasekaso dito ay maliit na bagay lang kumpara sa mga nagawa nito sa buhay nilang dalawa ng kanyang kapatid. "Kumuha ka ng unan doon at ilagay mo dito sa sahig." Utos niya sa kapatid niya, wala silang pangbili ng tiles kaya nag tiyaga sila sa vinyl na bigay ng kapitbahay nila. Akala niya e pababayaran pero di naman, nalagyan ang sa sala nila lang pero ayos na iyon kaysa naman na semento lang na malamig sa paa. Malinis naman ang sahig dahil mayat maya naman ang kanilang pagwawalis. May pinagawa silang katre sa dalawang silid at yun ang pinapatungan nila ng kutson nila. Magkatulong nilang ibinaba sa sahig ang lalaki at pinatalikod siya ng kapatid niya habang ibinababa nito ang pantalon ng lalaki. "Ate tulongan mo na muna ako dito sa pantalon, tsaka kana pumikit pag sa briefs na. Mahirap siyang bihisan e ang laking tao." Sabi ni Josh na pawis na pawis na. Nagawa naman nilang maalis ang pantalon ng lalaki, pero nanlaki ang mata niya at napatalikod siya nang makita ang bagay na nasa pagitan ng mga hita ng lalaki. Malaki iyon at matambok kahit yata nakapikit na siya ay naglalaro parin sa kanyang balintataw ang bagay na iyon. Matapos na mabihisan ay pinalabas niya kay Josh ang higaan nitong kutson at inilatag nila sa sala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD