Tila di nauubos ang kalaban at anytime ay alam niyang mauubos na din ang mga bala nila. Sa isip niya ay nagdadasal siya na sana ay dumating na ang kanilang back up para naman maka sustain ang kanilang mga bala. Sa kabilang bahagi si Julie na nakita niyang inagaw na ang baril ng isa sa mga kalaban nito at iyon na ang ginamit laban sa mga kalaban. Nang may makitang nakatumba na kalaban ay hinanap na din niya ang baril niyon at iyon na ang ginamit sa mga kalaban. Parang di nauubos ang mga ito, ilang sandali pa ay maririnig na ang serena ng mga pulis at ang mga swat team malamang ang kasama ng mga ito. Medyo iika ika na si Aqua, marahil ay nadali ito kanina habang nakikipaglaban sa taas. Kahit siya man ay masakit ang kanyang sikmura matapos na matamaan ng sipa. Ilang sandali pa ay pumasok

