Xiel P.o.v. Pangalawang araw na kaming hindi nag-uusap ni Jewel. Grabe, natiis niya talaga akong hindi kausapin. Ang dami kong text at missed calls sakanya. Ni-isa do'n wala siyang sinagot. Alas siyete na ng gabi. Hindi nga ako naka kakain ng maayos eh. Iniisip ko pa din si Jewel. Iba pala talaga kapag Girlfriend mo na. Hindi tulad dati kahit 'di kami magpansinan ng matagal, keri lang. Pero ngayon, para akong maaaning kakaisip kung okay ba siya do'n, anong ginagawa niya. Sinong mga na-meet niya. Nakaka-paranoid. "Mukha kang timang d'yan. Nagsasalita ka na mag-isa eh," natatawang sabi ni Pat. Loko-loko talaga 'to. Binato ko nga ng stick. Kumakain kami ng bananaque dito lang sa kanto namin. Napatingin tuloy 'yong mga ibang bumibili. "Hindi ka pa din ba kinakausap ni Mosh, Mosh, mo?" Asa

