Xiel P.o.v "Where are you?" Text ni Jewel. Ang trafic kasi shete! Nagpapasundo kasi ang senyorita. Sabay kaming papasok sa school. "Five minutes nand'yan na ako." Reply ko sa kanya. "Ang tagal, anong oras na. tsk!" Reply naman niya. Nagmamadali ang Lola mo. 'Di na nga ako mapakali dito sa Jeep. Kung takbuhin ko na lang kaya? hayst! Pagkababa ko, Dali-dali naman akong naglakad papunta sa bahay nila Jewel. Paniguradong nakabusangot na ang isang 'yon. Tinext ko na siya na lumabas na ng gate. Nakita ko na siyang nakatayo sa labas nila. Naka-crossed arm, salubong ang kilay at ang haba ng nguso. Lagot na! "Go-good morni----" "Let's go, i'm hungry." Kaladkad niya sa'kin. Dumaan muna kami sa isang lugawan, dito lang sa may kanto nila. "Isang lugaw na may itlog, tokwa't baboy at mami po

