Xiel. P.o.v. "Xeng, gising na at mala-late ka na." Sigaw ni Mama. Napabalikwas naman ako dahil sa lakas ng boses niya. Hindi ko narinig 'yong alarm clock. Gano'n na ba kalalim 'yong tulog ko? Nakita kong naka open pa pala laptop ko at messenger. Nakatulugan ko pala kagabi habang magkausap kami ni Wewel. Actually sabay na ata kaming nakatulog pero naka-open lang 'yong camera. Katulad ngayon. Si....Si Jewel, nagbibihis habang nakatalikod. 'Di pa ata siya aware na gising na ako. Nasa banyo pa kasi ata siya no'ng ginising ako ni Mama. Bakit naman kasi naka-focus 'yon camera kung nasaan siya. Ang aga-agang kota este pamboboso ito. Tinakpan ang mga mata ko ng palad. Pero 'di ko mapigilan mapasulyap. Hays! Kunwari na lang nagtulog-tulugan ako. Pag humarap na lang siya tsaka ako magpapanggap

