Xiel P.o.v. "Paano kita kakausapin, 'di ka nga nasagot sa tawag ko. Para saan pa?" himutok ko. Hindi ko matago ang emosyong nararamdaman ko. Napahilot na lang ako sa sintido ko. Mukhang 'di na maganda ang pag-uusap namin ngayon. "Don't give me that attitude. Hindi mo kasi alam kung anong nangyari," angil pa niya. Siya pa 'tong galit ngayon? pambihira. "Okay fine, ako na mali. Happy? matulog na tayo," pagalit kong tugon. Nakakainis na, eh. "Fine! mukhang hindi ka naman kasi makikinig kasi sa paliwanag ko. Bukas na lang tayo mag-usap," Pagmamaldita pa niya. May bago ba do'n? sanay na ako kapag nagtataray siya. Pero ngayon ko na lang ulit narinig na nagalit siya. Bihira naman na kasi kaming mag-away. "Okay." Tipid na tugon ko. Pareho kaming wala sa mood baka ano pang masabi ko na h

