Xiel P.o.v. "Pa, alis po muna ako." Sabay halik ko sa pisngi niya. Pati na din kay Mama. Naabutan ko silang nag-aalmusal kasama si Kuya na halatang puyat. Nanchicks na naman siguro kagabi. "Mag-almusal ka muna, Nak." lambing sa'kin ni Papa. Nagluto pa naman siya ng omelette. May bacon at spam. Parang ang sarap nga. Umupo na ako at pinaghain ako ni Papa. Sobrang maasikaso. Masarap pa lagi ang ulam. "Kaya spoiled sa'yo 'yan, eh." Si Mama. Kulang na lang kasi subuan ako ni Papa. Nagkatinginan naman kami at natawa. Malapit na ngang sumampa si Papa sa barko. Kawawa naman ako nito. Taga hugas na naman ako ng plato at utusan no'ng dalawa. "S'yempre si Bunso 'yan at nag-iisang babae," sabi naman ni Papa habang hinahagod ang likod ko. Muntik naman mabulunan si Kuya Yexel ay nakakalokon

