Xiel P.o.v. "Oh, alalay lang." Sabi ni Mama. Kakarating lang namin dito sa bahay. Ang hirap maglakad kasi bawat hakbang ko, kumikirot 'yong sugat ko sa tagiliran. Malalim kasi kaya daw sumasakit pa sabi ng doctor. Buti wala namang main organ ang napinsala. Buhay pa din ako. "Sis, basketball tayo." Yaya ni Kuya. Lakas lang talaga mambwiset. Inikutan ko naman siya ng mata. "Talaga ba?" sarkastiko kong tugon. Alam naman niyang 'di talaga ako makakilos nh maayos. Napaka bibbo din. "Haha! joke lang. Na-miss ko lang ang bunso namin napaka cute ay pogi pala," kurot pa niya sa pisngi ko. Pinanggigilan pa talaga. Tinampal ko nga 'yong kamay. "Tseh! buti na lang bakasyon na, atleast 'di ko kailangan um-absent ng matagal. Makakapag pahinga ako ng maayos," "Kaya nga eh. Timing. Pagaling ka, ah

