Xiel P.o.v. "Oh, bigay mo 'to sa kanila. For sure magugustihan nila Paula itong kakanin. Favorite niya mga ganitong pagkain, 'di ba?" sabi ni Diane habanh nagbabalot ng pagkain sa styro foam. "Oo naman. Batang hamog 'yon, eh. Lahat naman kinakain no'n. Pati siguro pag-pag tataluhin." natatawang sambit ko. Natawa din tuloy si Yan. "Ready ka na sa paghaharap ninyo ng bebe mo?" tanong pa niya. Kinakabahan talaga ako, promise. Hindi ko alam paano ko siya ia-approach. Baka sungitan lang kasi ako. 'Wag naman sana. "A bit nervous," napa-english pa ako. Hayaan niyo na. Minsan lang 'to. "Nilaklak mo na nga 'yong tequila kanina, dinadaga pa din 'yang dibdib mo?" turo niya pa dito. Hinawakan ko naman ang kamag niya sabay yakap dito. "Aysus! kapag nakainom ka, nagiging sweet," hirit niya.

