Chapter 41 Stalker

2159 Words

Xiel P.o.v. "And the 1st runner up, goes to." Sabi no'ng MC. Pa-suspense pa, eh. Si Jewel na 'yan. Lihim akong nagdadasal na sana siya ang tawagin. Kapit kamay pa kami nila Paulina. Mukha kaming mga timang. Akala mo nasa Miss. Universe ang peg. Ganito pala feeling, noh. Ano kayang nararamdaman ni Jewel ngayon. For sure kinakabahan din 'yon. Pinagmasdan ko naman siya. Wala pa din kupas ang kagandahan niya. Siya pa din ang nangingibabaw sa lahat. Ang ganda nga ng pagkakangiti niya. Hindi mo mahahalata ang laba sa mukha niya. "Contestant number 3. Jewel Park. Congratulations," Lahat ng tao.naghiyawan ng i-aannounce ang pangalan niya. Nagtatalon naman kami nila Paulina at nagyakapan pa. Worth it lahat ng pagod ni Jewel, simula palang sa Rehearsal. Anong oras na siya nakakauwi pag gabi.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD