Jewel P.o.v. "Beb, sabay na tayo mamaya sa party, huh?" kalabit sa'kin ni Jessy. Tumango lang ako habang busy sa pagre-review. May quiz daw kasi kami mamaya. Ito namang si Jes, busy sa paglalagay ng make-up. Crush niya kasi 'yong Prof. namin sa General Psychology. Well, he's cute. Tska bata pa. Mukha nga lang babaero. Madaming nagpapa-cute sa kanyang girls. Isa na 'to si Jessy. After ng klase namin, dumiretso muna kami sa condo ni Jes, para do'n na magbihis. Actually, tinatamad akong um-attend. Kaso ayokong magtampo si Mark. "Parang 'di ka excited d'yan," sabi nito. Napabuntong hininga naman ako. I'm not interested sa mga guys na pupunta mamaya. Pagkadating namin sa bahay ni Mark, sinalubong niya kami. "Hellooo, Sisters. Let's go inside," Pagkapasok namin, napalingon ang kalalak

