Chapter 21

1478 Words

Kinabukasan, matindi ang panghihina ng katawan ko, medyo nahihilo rin ako. Matagal ko ng hindi nararamdaman to, pero dahil nagbiyahe ng matagal kahapon, inaasahan ko na ganito ang mangyayari. Hindi naman ako pwede magtambay sa kama kasi di naman alam ni Mama ang lakad ko kahapon at kung di pa ako babangon, matinding bungangaan na naman ang aabutin ko. “Come on Athena! Ginusto mo yan!” bulong ko sa sarili ko at pilit na tumatayo kaso parang babagsak talaga ang katawan ko. Saglit akong naupo at huminga nang malalim sabay sinubukan ulit tumayo pero napahinto ako sa pagtayo nang may marinig ako na boses mula sa labas. Si Ate Jhibi. Dinig ko na nagsitunugan na ang mga kawali at iba pang kasangkapan sa kusina. Nagluluto siya? Mabilis siyang kumikilos at rinig ko na nga na bumangon si Mama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD