Suot ang kulay pulang dress na dikit na dikit sa katawan ko at may napakahabang slit sa kaliwang bahagi na nakapailalim sa maluwag na t-shirt at jogger pants, nagtungo ako sa hotel dito na malapit lang sa baryo namin.
Naglakad lang ako dahil nahihilo ako pag sumasakay ng tricycle. Malapit lang naman ang hotel. Bagong bukas rin kasi ang hotel kaya ito ang napili ng university namin na pagdausan para raw libreng promotion na. Tangkilikin ang sariling atin!
Marami na ang nagbago sa munting baryo namin sa maliit at simpleng Isla Puerto na kinalakihan ko. Buti na lang at kahit mas lamang na ang mga sementadong struktura ay napanatili pa rin ang natural na ganda ng baryo.
"Aba, may lakad ka ata Athena!" bati ng mga nakakasalubong ko na mga taga-rito na chsimis na ata ang inuumagahan.
"Ah, oho! Magpapa-araw lang ho!" mapait ang ngaiti kong sabi.
Kung meron mang isa pa akong kinabibwisitan buong buhay ko ay ang pagiging kilala ng pamilya ko sa buong baryo namin. Kaya naman bawat hininga ko, tila nakasubaybay ang lahat. Lalo na syempre ang mga kamalasan ko.
"Ikaw bata ka ay mag-ayos-ayos! Nang may magka gusto na sayo. Ilang taon na rin namang patay ang ama ng anak mo. Nga pala no? Ilang taon na nga ba?" usisa pa ng isa na tila hindi pa nakakapaghilamos.
"Ah! Di ko na rin ho tanda eh. Saka wala ho akong balak mag-asawa, ayaw ko ho maging kagaya niyo. Sige ho!" magalang ko na usal saka binilisan na sa paglalakad.
Nang makarating sa hotel ay mabilis akong nagpalit sa banyo at naglagay lang ng kaunting lipstick.
Pagkatapos ay lumabas na ako at nagpunta sa assigned seat ng batch namin. Buti at wala pa masyadong tao. Di ko maiwasang di pansinin ang malaks na tugutugan at nakakhilong pailaw ng event. Napangiwi na lang ako at di talaga lubos na maunawaan kung paanong naguggustuhan ng mga tao ang ganitong klase ng kaguluhan.
“My gosh! You look fab!“
“Stop it! I just got this yesterday from a quick shopping.“
“Pero, you really look good.“
Ayan, sige. Maglokohan pa kayo. Para mas masaya. Usal ko sa isipan ko habang bagot na bagot na nakikinig sa pagplastikan nitong mga babae na nakapwesto sa likuran ng table namin.
Isang oras na rin pala ang nakakalipas simula anng magsimula ang programa nitong reunion namin.
“Hey, enjoying the night?“ biglang tanong nitong katabi ko na nalimutan ko na katabi ko nga pala.
“Ah, oo.“ Naiilang na sagot ko habang marahang itinutulak siya papalayo sakin kasi kanina pa siya bulong ng bulong sa may leeg ko.
Di ko alam kung inaamoy niya ba ako o ano? Daig mo ba ang bilot eh. Hahalik-halik tapos aamoy-amoy. Jusko eh laway niya na lang ang naamoy niya sa leeg ko.
“Sorry, you just smell so good. And you are addicting,” bulong na naman niya.
“Ah. You know what, we could do it later.“ Sabi ko na naman na medyo napapalakas na ang paghawi ko.
“Yes, finally. Ang tagal naming inasam na makita kang nag-eenjoy,” sabat nitong katabi ko na nakasama ko rin naman sa mga overnights noon.
“Ah, well, tumatanda naman na, and matagal na rin naman. Malaki naman na anak ko kaya napagpasyahan ko na ring subukan.“ Sagot ko.
Oo halatang-halata nga ata na ang saya-saya ko.
Haaay!
“Ok, sayaw lang kami ha. Papahulas, may tama na. Mamaya pa ata matatapos ang program, kung gusto mo dito na lang kayo.“
“Sige ok lang ako rito. Enjoy na kayo ha.“ Sabi ko na lang kay Seriya, isa sa mga naging malapit sakin. Kaso nga lang, mas gusto niya ang maingay na buhay.
Nasa kabilang table ang totoong batch ko. Natigil kasi ako nang mabuntis ako nong walang kwentang ex ko. Back to those times na naniwala ako sa forever at working together to fulfill dreams and plans.
Tsk! Simply, back when I was so gullible, naive, and innocent about the f*cking rule of life. Since then, I never tried again. Ngayon na lang ako nagloosen-up dahil nga sa takot na masaktan ulit. Buti kung ako lang eh damay na anak ko.
Natapos ang mahigit isa pang oras at nag-announce na nga na magsi-settle na sa mga rooms para sa mga activities bukas. Yes, one-week reunion.
Isang backpack lang ang baon ko kasi aalis ako basta matripan ko. Wala naman na sila magagawa, bayad naman na eh.
“See you bukas Ate Athena.“ Isa-isa nilang paalam sakin na ang wierd ng mga tingin na iniiwan nila bago pumasok sa kani-kanilang kwarto na mga gumigewang na sa kalasingan.
***
“ Huuuuuuuhhhhhhh!!"
" Mmmmmmmmmmmm!!"
Ungol nitong lalaking sinet-up sakin na di na tumigil sa kahahalik sakin pagpasok ng kwarto namin.
Tsk! Ngayon na lang nga ko lumabas, kailangan ko pang mag comply sa dare nila, to make them satisfied? To make me what? Tsss.
I get so sick sa ganitong sitwasyon and I get sicker right now kissing and pretending that I am into these things. Ok naman gwapo naman si Kuya eh pero di ko naman to gawain.
“Ohhh—-okkkk…”
Muntik na akong masuka. Bukod kasi sa lasa ng alak sa bibig nitong lalaking ito eh halos umabot na sa lalamunan ko ang dila niya.
Ano ba to? May lahi ba 'tong tiktik?
Teka...wait bumababa na siya. O may gas. Wait...Oh my gas di pa ako nagsi-shave. No, I haven't really done for years? Junglebites na to.
" Ahmmmm... Wa-wait."
" No. Look just relax." He said out of breath.
" Hmmm kasiii---"
[ phone ringing]
What his phone is ringing?
" Ah di mo ba sasagutin?"
" No need. Let's just finish this. It could just be my fiance." He said while struggling to remove my underwear.
" What?"
" My fiance."
" You mean you have a fiance and ginagawa mo to?"
" Look this is not serious hindi ba? Just for a night? Besides, I could decline but you look the easiest there, so yeah. Why not, right?"
" Psssh. Just go. Tapos na rin naman ang palabas. And please be faithful to your soon to be wife. All women deserve to be taken seriously. And try to be honest kahit sakanya lang."
" Wow. Kanina sa party, you are different. Now you are playing hard to get? Nasabi sakin ng friends mo na may anak ka na at unfortunately walang stable job kaya kailangan mo ng kaunting fun?"
Napakuyom ang mga kamay ko! Kung kasing lakas ko lang ang katawan ko dati, babantan ko na to! Gago!
" Nah. Infact, here, right now is me. The real me. At the party, that was me playing easy to get for a fu***** satisfaction."
And with that said, he left. And my chances of doing it again after 5 years, pop! Oh diba. Parang bulang naglaho bigla. I could just cheat for a night and be selfish, pero di ko kaya.
Iligo ko na lang to at mag stress eating tayo sa convenience store sa malapit. Tama, as usual yon naman talaga gawain ko.
Tatanda na ata talaga akong mag isa. Well sanay naman ako mag isa eh. Ano ba namang bago.
After taking a bath at mga rants at iyakan habang naliligo. Yes, nakangiti na naman ako. Tibay mo Athena. Isa kang huwaran.
Ok. Loose shirt, shorts na above the knee, messy half bun na buhok, eye glasses, and... my tag. At kumpleto na. Ganon ako pag lumalakad, dala ko sa bag ko ang totoong ako. After ko mag cosplay para sa ibang tao, papalit rin agad ako ng totoong ako.
Sa kung saan kumportable ako.
Siguro sa panahon noon may makaka-appreciate sakin kaso ngayong 2022? Malabo na. I don't even know how to wear a make-up. Earings? Ah magsasara na lang ata tong butas na dapat lagayan ng hikaw na binutasan pa nong baby ako. Ayaw ko na may kung anong meron sa katawan ko, effort pa. Tapos mga kuko ko? Parang paging galing gera. Well atleast iwas ingrone at ang buhok ko? Pss. Effort pa magsuklay. Good thing kulot ako.
Ok, tama na to. Baka pati salamin maumay sakin sumabog na lang siya ng kanya.
Pumunta ako sa room nina Seyi, tawag ko kay Seriya. At as usual, naglilinis na naman siya ng mga kalat ng iba niyang friends.
“Uwi na ako.“
“Pero…”
“Punta ka na lang sa bahay pag gusto mo tumambay. Di mo kailangang maglinis ron.“
“Ateeee…”
Yumakap lang siya sakin saka umalis na ako. Tsk!