Tulala akong napatingin kung nasaan ito,nalilito at puno ng katanungan ang isip ko kung bakit ganun ang mga kilos at ginawa ni Kuya Archilles.
Anong ginagawa mo sa bata kung puso kuya.
Paulit-ulit kung tinanong ang sarili ko, hanggang sa di ko na maalala ang sunod na nangyari, kusa na lang gumalaw ang katawan ko,tumalikod at nag simula ng ipag handa ito ng makakain.
Isang simpleng Tuna Mayo Sandwich lang ang gagawin ko, naalala ko kasi yun ang madalas kainin ni kuya noong dito pa nagtatrabaho si nanay,yun ang palagi nito pinapagawa kaya yun ang naisip ko gawin.
Sana magustuhan nya.
Ilang minuto lang ang itinagal at tapos na ako, handa ko na ito ibigay sa kanya. Nakangiti akong nag lakad palapit dito at nag salubong pa ang tingin naming dalawa ng biglang may pumasok sa kusina.
“Hey babe,im here again”bati ng isang magandang babae.
Mahaba ang buhok nito na medyo kulot sa dulo,maputi, makinis na balat at higit sa lahat anak ng isang mayaman at kilalang tao.
Si Wynter Cruz.
Kilala ko sya, dahil alam ko ilang taon narin silang mag karelasyon ni kuya Archilles at madalas itong nakukwento sa akin ni Wade. Di ko alam pero di ko maiwasang mainggit dito, di lang sa buhay na meron ito kundi sa ….kung anong meron sila ni kuya Archilles.
Lingid sa kaalaman ng kaibigan ko at lalo na ni kuya Archilles, ay matagal na akong may lihim na pagtingin kay kuya Archilles, simula yata nung bata ako ay humanga na ako sa angking kagwapuhan nito,mabait din ito sa kapatid nito at gayundin sa mga magulang nito na mas lalong nag pa lalim ng nararamdaman ko para dito. Habang tumatagal ay mas lalo ako humahanga dito na minsan di ko alam kung pag hanga na lang ba talaga ito.
“You okey Dyn?”mababang boses ang pumukaw sa akin mula sa malalim na pag iisip,ilang beses pa ako napakurap bago ako nabalik sa katotohanan.
Agad ko sila tinignan at pilit na ngumiti, bago ako nag lakad palapit dito para ibigay ang pagkain nito.
“Ito na po kuya ang pagkain mo,pasensya na po yan lang naihanda ko sayo”nahihiya kung sabi dito.
Nahihiya naman akong yumuko at di ito makuhang tingnan, na kahit kailan ay di ko magawang matingnan ito ng hindi bumibilis ang t***k ng puso ko.
“Vsyo khorosho,kukolka ,thank you for this”sabi nito.
Ang tanging naiintindihan ko lang sa sinabi nito ay nagpapasalamat ito,dahilan para mapangiti ako at tumingin dito na parang pinag sisihan ko din dahil nakita ko nanaman ang matamis nitong ngiti.
“What did you say?Did you just speak Russian to her?"may pag tataka na tanong nito kay kuya habang nakangiti.
“Yeah why?”tanong din nito pabalik sa nobya pero malamig na ang tingin nito sa kanya na pinag taka ko, bakit ganun na lang nya ito tingnan, diba dapat puno ng pag mamahal ang bawat tingin nito sa nobya nya.
Patuloy lang sila nag usap habang ako naman ay nakatunganga lang sa kanila habang pareho sila nagsasalita ng wikang ingles ng napakabilis, dahilan para wala akong maintindihan na kahit isa man sa sinasabi nila.
“Don't be jealous,it’s not like you never heard me speaking russian before”malamig nitong sabi sa nobya na ikinatawa naman ng babae
“Yeah right, but why call her kukolka (doll)? at talagang sa harap ko pa” galit nitong sabi sa nobyo.
“Nandito ka lang ba para gawing issue yun?cause if you are, mabuti pang umalis ka nalang”sabi nito saka parang walang pakialam na kumagat sa pagkain nito na parang di sila nag babangayan ng nobya nito.
“No,im here because i want to talk to you,my father wont stop bugging me,”napipikon nitong sabi. “he wants us to get married”
Doon nanlaki ang mata kung tiningnan si kuya Archilles na agad n’ya naman sinalubong ang tingin ko na parang sinasabi ng mata nito na ayaw niyang marinig kung ano mang sasabihin ng babae, pero sa di malamang dahilan ay di ako umalis, kahit na tinignan na ako ng masama ng nobya nito.
Bumuntong hininga muna si kuya bago tumingin sa nobya at agad na kinuha ang kamay nito at hinila palabas ng kusina.
Naiwan akong tulala at pinuproseso ang tanging naiintindihan ko,gusto ng pamilya ng nobya nito na mag pakasal na sila?hindi ba parang ang aga pa para doon?
“Oh bakit parang pinag bagsakan ng langit at lupa yang mukha mo hija?”nag tatakang tanong sa akin ni Tiya lireng.
“Hindi po ba parang masyado pa silang bata para mag pakasal tiya?”puno ng pag tataka kung tanong dito,umaasang sasang-ayunan nya ako.
“Hija,sa panahon nga namin noon, ay sa edad na labing anim na taong gulang ay nag papakasal na o pinag kakasundo na sa isang kasal,magugulat pa ba ako ngayon?”natatawa nitong pag kwento saakin. “Di mo ba napapansin hija?mayaman sila, kaya kung gugustuhin nila mag pakasal ay walang magiging problema doon, yung mga dose-anyos nga na mga bata gumawa na ng bata ei hahahahahaha”
“Pero hija,di ko yun sinabi para gawin mo rin yun ha?bata ka pa, gusto ko sulitin mo muna ang pagiging bata mo, tyaka mo na isipin yung pag aasawa pag handa ka na at kaya mo na”
“What did I miss?sinong magpapakasal?”nakangiting tanong sa amin ng kaibigan ko.
Kakapasok lang nito sa kusina at agad itong lumapit sa akin at yumakap sa bewang ko,ganito sya pag gusto nya mag lambing sa akin na kahit noon pa ay naging gawain nya na, kaya sanay na ako.
“Anong ginagawa mo dito?asan si kuya?”tanong nito saakin.
“Umalis sila ng nobya nya”maikli kung sagot dito.
“Wynter is here?why?”tanong nito sa akin, sa paraang parang alam ko ang sagot sa tinatanong nito pero imbis na sagutin ito ay yumuko ako at nagkibit balikat nalang.
Matapos nito makipag kwentuhan kay Tiya Lireng ay umakyat na kami sa kwarto nito, habang ang kamay nito ay nakapulupot sa bewang ako, inaalalayan ako paakyat sa hagdan ,ingat na ingat ito sa akin na parang isa akong babasaging gamit,ganito na ito kahit noon paman dahilan para di ako makaramdam ng kahit anong ilang dito.
“Kumain ka na ba?”tanong nito saakin habang ginigiya ako papasok sa kwarto nito saka ako inalalayang makaupo sa upoan.
Matapos nitong makitang maayos na akong nakaupo, ay agad naman ito may kinuha sa bulsa nito at ng tingnan ko kung ano ito ay isa iyong panali sa buhok,agad nito sinuklay ang mahaba kung buhok ko saka pinusod ito ng maayos saka nito tinignan ang repleksyon ko sa salamin saka ngumiti.
“Ayan , alam mo bang mas lalo kang gumaganda pag nakatali ang buhok mo?”maamo nitong sabi saakin saka hinalikan ang ulo ko.
Bilang ganti ay ngumiti nalang ako dito tanda ng aking pasasalamat nito.
“Shall we start now?mukhang tapos naman na kayo ni kuya mag aral”nakangiti nitong sabi saakin habang nakatingin sa mga mata ko. “Smile princess, you look beautiful when you smile”
“Di ako prinsesa,tyaka tigilan mo nga ako dyan Wade mag aral nalang tayo”natatawa kung sabi dito.
“Uyy naiintindihan mo na ako,that good”puri nito sa akin, saka hinaplos ang pisngi ko habang nakangiti parin. “At isa pa for me you are a princess,my princess”
Ngumiti nalang ako dito at pinabayaan ito sa kung anong gusto nitong sabihin.
“Dahil marunong ka naman na makaintindi ng english, i'll teach you nalang other foreign language”sabi nito saka kumuha ng dalawang may kakapalang libro. “So I have here Spanish and Japanese language books”
Nag umpisa itong buklatin ang bawat pahina at sinabi sa akin na pwede ko ito iuwi sa amin para mapag aralan ko pero di ko alam pero pumasok sa isip ko ang tinawag sa akin ni kuya kanina,nakuryuso ako at gusto ko malaman kung ano ang kahulugan nang salitang yun.
“Wade, may tanong ako”
“Sure,shoot princess”sagot nito habang nakatingin sa libro.
“Ano ibig sabihin ng Vsyo khorosho,kukolka”tanong ko dito.
Agad naman ito napatingin saakin at napa kunot ang noo.
“Saan mo narinig yan?that’s Russian”balik tanong nito saakin.
“Narinig ko lang”
“From whom?at sinong sinabihan?ikaw ba?”tanong ulit nito saakin.
Tumango naman ako bilang sagot dito.
“Kay kuya mo ba narinig yan?Kuya is part Russian”
At ulit ay tumango lang ako pero naramdaman kung nag init ang pisngi ko.
“Well that’s kind’a sweet for him to call you that, and very unusual”seryuso nitong sabi saka hinawakan ang kamay ko. “Vsyo khorosho,kukolka means It’s fine,doll”
Seryuso nitong sabi, saka pinisil ang kamay ko na hawak nito.
“He called you doll, usually you would hear it to someone who admire you,or sa nobyo mo”sabi nito na mas lalong nag paseryuso ng mukha nito. “Wag na wag ka muna mag nobyo okey?dadaan muna sila sa akin bago ka nila makuha”
Tulala lang naman akong nakatingin dito,prinoproseso ang sinabi nito. Tinawag akong doll ni kuya,manyika?
Bakit nya ako tinawag na ganun?kaya ba nagalit ang nobya nito?ang daming katanungan sa isip ko pero mas nangingibabaw ang katanungan kung bakit nya ako tinawag na ganun?
May gusto din ba siya sa akin?