CHAPTER 7: PUNISHMENT
_____________________________________________
LHADY POV
Napairap nalang ako sa hangin. Tskk.. Ang boring pala nito.
Kung ano Anong kakornihan Ang pinagsasabi. Tskk kung bakit ba kasi ako nasali dito? At Mukhang ako pa talaga Ang kontrabida sa palabas na to. Tskk.
Sipain ko kaya Yung gumawa ng Script?
Oh di Kaya Yung nagbigay sa akin ng role?
Tskk.. pabida talaga Ang Louche na yun, siya talaga bida? Porket siya leader? Tskk..
Nakatingin lang ako sa kanila habang Walang emosyon. Tskk may mga pinag-uusapan pa sila na kung ano ano at wala akong balak na magsalita.
At parang Ganun din naman yung katabi ko na parang Ang lalim ng iniisip habang nakatingin sa malayo. Tskk kawawa naman to sa punishment niya. Tskk kasalanan ko naman talaga yun kung bakit ganito kami ngayon..
Bakit ba kasi Ang word na Late Yung pumasok sa utak ko kanina? Tskk kung sana inagahan ko para mabugbog ko si Loucheng pabida. Tskk..
"Ok Pwede na kayong umuwi lahat at remember na may mga dadating pang mga practice pero nasa school na Ang practice. Lahat kayo makakauwi except the two of you" Sabi ko na ehh Kami talaga Ang puntirya niya. Tsk. Palaging makinig Ang ulo ni Louche sa akin Dahil sa mga pinanggagawa ko. Humarap pa Ang mukhang Clown.. Tskk..
May mga bulungan pa Yung mga kaklase Kong Clown rin. Sapakin ko sila dyan ehh..
"Lagot sila Kay leader"
"Wala Kayang awa Si leader"
"Ano Kaya Ang parusa?"
"Kung ako susundin ko nalang si leader"
"Uuwi na nga ako"
Pero naiingiit ako sa last na sinabi ng kaklase ko, gusto ko na ring umuwi. At yun na nga umuwi na silang lahat except sa aming tatlo. Mamimiss ko na naman yung favorite Kong drama sa TV. Tskk.. At ng Dahil na naman hun Kay Louche.
Paepal pa kasi si Louche, porket siya ang leader dito ginaganyan na kami? Tskk mabilaukan sana yan habang magsasalita mamaya. Siguro kapag nangyari yun matutuwa pa ako.
"Bakit kayo late? Anong rason?" Tanong ni leader na nakapameywang pa sa harap namin. Mas sexy naman ako sa kaniya noh?
Nagcross arm naman ako sa kaniya t tinaas Ang kilay. Anong tingin niya Sa akin? Iiyak nalang sa isang sulok habang pinapagalitan niya? Tskk I'm not that weakling and fragile. Mas matalino ako sa kaniya kaya insecure siya sa akin. Remember sipsip lang siya.
"Tskk.. improve ka na pala ngayon Louche? I didn't know that. You know Wala ka nang dapat na malaman pa kung bakit kami late, bakit tinatanong ka ba namin kung nagtotooth brush ka? Ang baho Kaya ng bunganga mo" Pagsusungit ko sa kaniya, palibhasa pabida din naman kasi tong babaeng to. Hmm.. mukhang naasar ko nga siya..
"Xie shut up" Sabi naman ng katabi ko habang malayo parin Ang tingin niya. Anong akala ng lalaking to? Uurungan ko tong babaeng to? Pwes nagkakamali siya.
"Kung wala ka namang Magandang isasagot Ms. Xue wag ka nang sumagot. Such a Disrespectful" Sabi niya naman sa akin habang nakatingin deretso sa mga mata ko. Ang pangit ng mata niya..
"Hmm.. did you think I will respect you that way of your respective? Anong akala mo sa akin uto itong clown? Professor nag Hindi ko ginagalang Ikaw pa kaya? Look at you. Your nothing Ms. Louche" Sabi ko naman sa kaniya na ikinadugtong ng kaniyang kilay. Naramdaman ko naman Ang pagsiko ng katabi ko na para bang sign na tumigil ako.
Tskk hindi ako katulad sa kaniyang weakling..
Nanahimik sa sulok habang malayo Ang tingin..
"Hindi ako katulad ng mga prof. na binabastos mo. Ibang iba ako sa kanila" Sabi niya sa akin na may awroridad Ang boses. Pikon talaga. Tskk.. mukha talaga siyang Terex na Dinosaur dahil sa mukha niya. Geezzz..
At Saan naman sila nagkaiba ng mga prof namin sa kaniya? Pagiging sip sip ehh pareho lang silang sip sip sa taas. Mga pareho lang na mga mandurugas.
"Xie, wag ka na ngang magulo. Kasalanan mo naman kasi Ang tagal mong maligo, papagalitan ka talaga ni Tita pati ako" sabat naman ni Dino sa akin. Bulong lang naman yung ginawa niya. Mabuti naman at bumalik na siya sa pagiging tao niya, akala ko naging alien na siya.
"Sanay na akong pagalitan nun, lagot ka talaga Dino" sabat ko naman sa kaniya habang nakangisi. Parang wala lang naman sa kaniya na mapaparusahan siya Pero May pag-aalala sa mga mata niya. Tskk.. Ang awa dapat Hindi pinapalabas lalo na kapag andyan Ang kalaban.
"Stop that nonsense thing na bulungan niyo, ididiscuss ko na kung Anong punishment Ang gusto ko para sa inyo" saad ni pabida habang may ngisi sa mga labi niyang mapula lang dahil sa lipstick. Tskk.. maitim naman yang labi niya puro kasi lipstick nasunog na sa kemikal. Mabuti pa ako natural beauty..
"Bagay talaga sayong maging artista Ms. Louche. Alam mo kung bakit?" sabi ko sa kaniya habang nakatingin sa mga koko ko at May ngisi sa mga labi.
"Bakit?" Tanong niya, kumagat hahahaha. Tanga na sipsip. Hindi niya ba iniisip na baka May ibabato ako sa kaniya?
Feeling niya siguro nagagandahan ako sa acting niya kanina na pangmalandi.
"Kasi sobra kang mapap--," sagot ko naman sa kaniya at nag-roll eyes si Dino naman ay tinabunan Ang bibig ko para Hindi na ako makapagsalita. Kaya naman napatingin ako sa kaniya pero yinakap niya lang ako at tinabunan Yung bibig ko.
Pilit ko naman na tinatanggal yun at nakuha ko na nga Kaya inis akong tumingin sa kaniya. Nasa likod kasi siya.."Uyyy Dino Bakit mo yun ginawa?" Tanong ko sa kaniya ha Ang inis na inis. Tskk..
"Ang daldal mo talaga Xie" sabi niya naman sa akin at tumingin sa harapan namin na kung saan nandun si tangang sipsip na mapapel.
"Mr. Bunnivie, Ikaw Ang sasalo sa kasalanan niya. Ikaw din naman ang nagsundo sa kaniya sa bahay nila. You will be my slave in two weeks. Pinag-usapan na natin to bago palang Ang nangyari right?" sabi niya, nasa loob din pala Ang kulo ng babaeng to. Malandi. May gusto talaga siya Kay Dinosaur Kaya niya gagawing Slave si Dinosaur.
Nabasa ko na yan sa mga libro na gagawin nilang slave Ang gusto nila habang magkahulugan na sila sa isa't isa. At yun Ang Hindi ko hahayaan.. tskk..
Hindi sila bagay, tao sila.
"As expected Ms. Louche. Sige ok lang, two weeks lang naman" pag-sang ayon ni Dino, ano ba Ang binabalak ng lalaking to at pumayag? Wag mong sabihin na may gusto siya sa babaeng to? Woww what a great idea of him?
Maging slave really? Kung Sino naman kasing tangang papayag sa two weaks if being a Slave?
Oh my goshhh.. papaano nalang kung pagpapalinisin siya ng CR?
Pagdadalhin ng mga make-up kits niya together with her malalanding friends?
Pabubuhatin ng mga libro niya?
Paano nalang kung nakakasakit siya? Problema ko pa yunnnnn..
Ehh paano nalang kung mahulog siya sa hagdanan Dahil sa daming pinapagawa niya at macomatose?
Paano nalang kung papagalitan ako ng mga parents niya pati na rin ni Daddy?
Wahhhhhhh ayoko ayoko Baka magrounded pa ako nang ilang weeks..
Oh my ghadd papaano nalang k-kung mali ako ng pinag-iisip? Paano nalang kung mahuhulog sila sa isa't isa katulad ng nababasa ko?
Oh nooo malaking kahibangan..
Bigla naman akong nakabalik sa isip tao ko at tiningnan Si Dino ng masama.
"Dino, alam mo ba Ang pinagsasabi mo? Hindi ka dapat maging slave ng babaeng yun. Really? TWO WEEKS? Naimagine mo na ba Ang mangyayari sayo?. She use her power as a leader" pagprotesta ko, baka ano pa Ang gawin niya sa lalaking to. Baka mamatay ng wala sa panahon. Oh no..
Paano nalang kasi Diba? Sayang naman Ang future niya.. Mas maganda pa naman yung future kaysa presents..
"Clam down Ms. Xue, you look like a jealous girlfriend you know. Wag kang matakot magkikita pa naman kayo. Hindi ko naman siya aangkinin ng buong buo. Tskk. Gusto mo akin nalang siya para masaya?" natatawang sambit ni paepal/ pabidang leader sa akin habang nakangiti na para bang demonyo. What did she say? A jealous Girlfriend? Saan banda? Anong pagseselosan ko sa lalaking to? Kung gusto niya Sa kaniya na lang, wag nalang pala. Basta bahala na kung saan to mapadpad basta ayoko sa kaniya. Never akong magkakagusto sa kalaban ko. Tskk.. At isa pa ayokong masaktan ulit..
Anong selos na sinasabi niya? Eww nakakarindi.
"Anong sabi mo? Jealous girlfriend? Talaga lang huh, baka mamatay kasi yan ng maaga kapag kasama ka niya at Hindi niya pa matikman Yung paghihiganti ko sa kaniya. Alam mo naman mukha kang dinosaur na meat eater baka kainin mo Si DINOsaur na plant eater. Nakakaawa" pangungutya ko sa kaniya habang nakangiti naman sa kaniya. Naramdaman ko na naman pagsiko ng katabi ko.
"Xie wag ka nang maingay, Mas lalong lala Ang sitwasyon" bulong niya naman sa akin na ikinataas ko ng kilay. Kung yun Ang inaalala niya.. tskk. Sanay na ako sa g**o. Kahit na world war 3 pa to hindi ko uurungan.
Tiningnan ko naman siya at mukhang
magsasalita na sana siya ng putulin ko yun. Ayaw Kong marinig Ang pangit niyang boses.
"And baka ako din mapatay ng pamilya niya Nang maaga" sabi ko at ngumiti, hinila naman ako ni Dino sa kung saan saan. Tskk.. Ang hilig manghila ng isang to. Inayos ko naman yung appearance ko habang siya putak ng putak.
"Anong kalokohan na naman ba yun? Alam mo bang Ang bigat ng parang ibibigay niya sayo kung Hindi ako naging slave niya? Bakit gusto mo ba talagang maglinis ka ng two weeks sa CR ng boys at Girls? At additional pa Xie whole year level yun. Makakaya mo ba?" Tanong niya sa akin Kaya napalingon ako sa kaniya. Is he concern to me? Bakit parang May nararamdaman ako sa kaniya na kakaiba? Yung para bang Ang bilis ng t***k ng puso ko sa sinabi niya.. abnormal heartbeat, May sakit ba ako?
Kaya ko namang maglinis ng buong CR ng year levels. Pero Bakit ganun? Bakit parang mas gusto niya lang saluhin Yung parusa ko? Nababaliw na ba talaga siya?
Tiningnan ko naman siya sa mga mata niya at puno yun ng pag-alala. Shitt.. don't tell me... no it's impossible..
Maging seryoso naman yung mukha ko nung marealize ko Yung nararamdaman ko. Hindi pwede yun. "Bahala ka na nga sa buhay mo, Pero pag Ikaw kinawawa niyan mapapatay talaga kita. Tandaan mo" sabi ko at pumunta ng kotse niya at isinarado Yung pintuan. Tskk..
Ipinikit ko naman yung mata ko. No Hindi pwede..
Mawawala din to katagalan. Tskk ng Dahil to sa babaeng paepal na yun..
Nakakainis talaga yung paepal na babaeng yun, ginamit pa Ang pagiging leader niya.
Gusto ko siyang patayin, bakit ba kasi sa lahat ng mga parusa ay yun pang maging slave niya si Dinosaur ng ilang weeks?
Ayokoooo........
Paano kung pagalitan ako ni Mom and Dad at Ang parents ni Dino kasi dahil sa akin mapaparusahan si Dino. Sabi ko na nga, wrong move Ang magpalate.
Well, Hindi naman ako takot mapagalitan no Mom but what the hell. Paano nalang kung malaman to ni Dad? Masyado siyang perfectionist para sa akin.. Lahat Dapat saluin ko Ang mga parusa niya..
Pati na Yung mga Parents ni Dino na di ko man lang kilala at kung ano ang mga ugali nila..
I feel guilty you know, Pero bakit ba ako nagiguilty Kong gusto ko maging miserable buhay niya? Ayy naguguluhan na talaga ako sa nararamdaman ko. Yung isip ko kasi nagdedebate kung bakit..
Baka Hindi talaga kaya ng konsensya ko na gumanti sa kaniya. Patay ako pagkauwi. At Mas patay pa ako ng Dahil sa kasama ko pala siyang uuwi.
Tumingin naman ako sa nag-uusap na si Louche at si Dinosaur. Parang ang saya saya nila na para bang gusto nilang Ganun na Lang palagi.
I miss how I smile genuinely..
And I miss him badly..
Pero ano bang magagawa ko kung yun talaga Ang nakatadhanang mangyari?
Paano ko malabanan Yung lungkot sa puso ko kung kinain na Ang buong sistema ko?
Can my heart will beat again?
At kung titibok nag Ang puso ko, dapat sa tamang tao na.