Chapter One

1965 Words
CHAPTER 1: THE LAST GODDESS IS BORN _____________________________________________ THIRD PERSON POV 100 decade ago...... Biglang bumukas Ang libro ng Propesiya na siyang ikinataka ng Lahat ng mga Dyos at Dyosa. "Wala pa naman akong Nasagap na Balita" Sabi naman ni God Hermes. Ang Dyos ng mga mensahe habang nag-iisip kung bakit Hindi nagparamdam sa kaniya Ang mensahe. "Siguro'y isa itong biglaang mensahe" saad naman ni Demeter sa kaniya. Ang Dyos ng Crops and Harvest. "Apollo basahin mo Ang nakasulat sa Propesiya" saad naman ni Hera sa kaniya at nagtipon na silang lahat sa kanilang bulwagan. Umupo naman si Apollo at nagpokus sa Propesiya. Matagal tagal na nagpakita Ang mga kasulatan ng Propesiya kaya naman naghihintay na sila. "Apollo ano ang Nakita mo sa propesiya?" Tanong ni God Zeus Kay God Apollo. Si Zeus Ang pinasahan ng Korona ng Kaniyang Amang si Cronus. Nagtipon Ang lahat ng mga Dyos at Dyosa o mas kilala bilang mga makakapangyarihan angkan sa buong Imorania-Mofalia. "Maghintay ka nalang Zeus, Asawa ko" saad ni Goddess Hera sa asawa niya at ngumiti ng malambing. Si Goddess Hera ay Goddess of Marriage at Asawa ni Zeus na Dyos ng Kalangitan at sa mga mortal at imortal. "Sige" sabi niya at umupo na sa trono, kasama Ang iba pa niyang mga kasama na Gods and Goddesses na nakaupo sa kani-kanilang trono sa Templo. Samantalang si Apollo Ang God of Prophecy, music and Medicine ay napangiti Dahil sa Nakita at nabasa niya na Ang kasulatan ng Propesiya Pero biglang nagbago Ang kaniyang emosyon niya dahil sa kaniyang nabasa. "Et germinare semen super omnem herbam agri in tota die, et non succedant" "Et germinare semen super omnem herbam agri in tota die, et non succedant" "Et germinare semen super omnem herbam agri in tota die, et non succedant" "Isang binhi Ang tumubo dahil lahat ng mga pananim ay mamatay, siya at siya lang ang magtatagumpay" sabi ni God Apollo sa kanilang lahat, habang may pangamba sa kaniyang mga mata. Alam niyang Malamang babala iyon para katakutan ng kung sino man. "Ano Ang ibig sabihin nito Apollo?" Tanong ni Goddess Artemis Ang Dyosa ng Buwan at ng mangangaso habang may Katanungan sa kaniyang isipan. "Ang ibig sabihin lang niyan Ay Ang isang lahi ay mawawala o mamatay at iisa lang ang pag-asa nila" sagot ni Goddess Athena Ang Goddess of wisdom and war sa kaniya habang may makahukugang tingin sa kaniya. "Tama ka Athena" sabi naman ni Apollo sa kaniya. Hindi man nila kung sino Ang nasa Propesiya Pero iisa Lang Ang alam nila, kailangan nilang malaman kung sino Ang nasa Propesiya para sa ikabubuti ng lahat. Silang mga Dyos at Dyosa Ang nagpapatupad ng mga batas at May hawak ng balanse ng dalawang mundo Kaya naman responsibilidad nilang iligtas Ang nangangailangan. Bigla namang napatingin Si Poseidon Kay Zeus. "Zeus Pwede mo bang tuklasin Ang hinaharap?" Tanong ni Poseidon ang God of sea and earthquake. Tumango naman si Zeus at binuksan niya naman ang kaniyang kapangyarihan at sinilip Ang hinaharap. Masyadong makapangyarihan si Zeus kaya nagagawa niya Ang mga ganito ng bagay. Kaba Ang namayani sa kaniyang isipan ng nakitang unti unting pagkamatay ng kaniyang mga kasamahan na Dyos at Dyosa. Napabulaslas na Lang siya ng, 'Imposible' Dahil Ang Mas masakit pa doon ay Ang Dalawang Dyos at Dyosa at nakatakdang magtraydor sa lahi nila Dahil sa kasamaan, Inggit at Kadiliman. Nakatakda Ang Dalawa para patayin Ang lahi nila, at alam niyang magtatagumpay Ang mga ito sa pagpaslang sa kanila lalo na at May kakampi siyang maw malakas sa kanila. Ang May Pakana ng Lahat ng Kaguluhan ng ito. Hindi nila mababago Ang hinaharap Pero pwede pa nilang sundin Ang nakasulat sa Propesiya Tungkol sa Isang binhi. Ang binhi na siyang Anak ng Dalawang Hari at Reyna.. May lungkot Ang kaniyang mga mata ng lumabas siya sa hinaharap at bumalik sa kasalukuyan. "Tayo Ang sinasabi sa propesiya na mamatay at Ang kasisilang na sanggol na dalawang hari at reyna Ang nakatadhanang mabuhay para sa ating lahi" sabi naman ni Zeus na ikinagulat nilang lahat. Hindi nila inaakalang sila Ang nakasulat sa kasulutan at Hindi nila aakalaing mawawala Ang kanilang lahi na siyang matagal ng namumuno sa dalawang mundo. "Sino naman ang binhi?" Tanong ni God Hephaestus Ang God of Fire Kay Zeus na umupo na sa kaniyang Trono. Hindi alam no Zeus kung sino iyon Dahil May pumipigil sa kaniyang makita kung sino iyon, kaya naman hindi siya nakasagot sa tanong no Hepaestus. Bigla namang pumasok Ang isa nilang Aliping Diwata at nagbigay galang sa kanilang lahat bago magsalita. "Pasensya na po Mahal na dyos at dyosa ipinatatawag po kayo ng mahal na Reyna na Si Moralta at Mahal na haring Morales" sabi ng alagad ng mga ito nang nakangiti na para bang magandang mensahe Ang gustong iparating ng dalawang Nagmamahalang Reyna at Hari ng Kanilang Lupaing Imorania-Mofalia. "Ano ba at ipinapatatawag kami ng mag-asawang hari at reyna?" Sabi naman ni Goddess Athena sa kaniya. Ngumiti naman Ito ng malapad. "Ipinanganak na po Ang kanilang mumunting prinsesa, na magmamana sa kanilang mga kayamanan at kanilang trono" natutuwang saad ng Diwatang Alipin sa kanilang lahat. Ngumiti rin naman pabalik si Hera sa kaniya. "Salamat sa iyong magandang balita Diwata, Pwede ka nang umalis" Sabi niya naman dito. Nagbigay habang naman Ito at masayang umalis sa harapan nilang Lahat. Nagkatinginan naman Ang lahat ng Dyos at Dyosa. "Siya na siguro Ang sinasabi ng propesiya. Ang binhi" sabi naman ni  God Dionysus na Dyos ng alak, Sayaw at teatro habang patango tango Dahil sa kaniyang naisip. Ang binhi ay nagsisimbolo ng Bagong silang Na sanggol na siyang nakapaloob sa Propesiya. "Posible na siya na nga iyon dahil siya ang nag-iisang sanggol na isinilang ngayon" sagot naman ni Goddess Hera sa kaniya na siyang ikinatango nilang lahat. "Kaya kung pasukin Ang hinaharap, titingnan ko kung siya nga iyon" paniniurado ni God Zeus sa kanila Pero may pumipigil sa kaniyang pagsilip sa hinaharap at alam niya kung sino iyon, Pero iisa lang ang malinaw sa kaniyang bisyon Ang isang sanggol na mabubuhay sa isang digmaan. Digmaan na magaganap maya-maya kaya kailangang magmadali. Bumalik naman si Zeus sa kasalukuyan. "Puntahan nalang natin Ang sanggol at titingnan ko kung siya nga iyon" sabi ni Zeus at nagteleport papuntang kaharian ni haring Morales kung saan nagaganap Ang pagdiriwang. Ganun din naman Ang mga Dyos at Dyosa. Nang makarating na sila sa Kaharian ay Ang masasayang mukha ng Mahal na Hari at Reyna Ang Bumungad sa kanilang lahat. Ang mga ngiting Hindi mapapantayan ng kung Anong bagay Dito sa mundong kanilang kinatatayuan. "Salamat po sa pagdating Mahal na dyos Zeus, ganun na din sa inyo Mahal ma Dyos at Dyosa ng Imorania-mofalia. Ako po Ay nagagalak ng maiparating po ng Diwata Ang aking mensahe sa inyong lahat" masayang saad naman ni Reynang Moralta sa kanilang lahat habang may ngiti sa kaniyang mga labi. Ang pagmamahal ng isang Ina Ang nasa kaniyang mga ngiti. Biglang nagsalita naman si Hating Morales sa kanilang lahat. "Maupo na po muna kayo Mahal na dyos at dyosa sa inyong mga upuan. Ikinararangal ko pong dumating kayo sa kaarawan ng aming anak na si Princess Mara ng Imorania-mofalia" sabi ni ng hating si Morales sa kanila habang may paggalang sa kaniyang pananalita Pero Hindi malalampasan Ang kaniyang ngiti ng pagiging ama. Tiningnan naman ni Zeus Ang bata at doon niya nalaman na siya na talaga Ang hinahanap nilang sanggol. Ang sanggol sa Propesiya, ang nag-iisang binhi na siyang mabubuhay sa paparating na Digmaan na magaganap ngayon. Naglakad siya papunta sa sisidlan ng Sanggol at tiningnan Ito ng maiigi. "Era Salvatora" mahinang bigkas niya at ngumiti sa kaniya Ang sanggol. Iisa lang ang ibig sabihin nito, siya na Ang Ang hinahanap nila. Ang Dyosang Nagngangalang Era Salvatora. Sinabihan niya na ang mga kasamahan niyang diyos at dyosa gamit Ang kanilang isipan na siya ang binhing sinasabi sa propesiya. Kailangan nilang mag-ingat sa pagpapaalam kung sino Ang nasa Propesiya baka May iba pang mangyari kung hindi sila mag-iingat. "Mahal na Reynang Moralta, totoo ngang siyang Isang napakagandang Prinsesa. Napakaganda niya at walang makakapantay sa kaniya. Nais sana naming bigyan siya ng Regalo bilang pagpupugay sa kaniyang pagsilang kung iyong mararapatin mahal na Reynang Moralta" sabi naman ni Goddess Hera sa kaniya ng nakangiti. Nag-aalinlangan siya sa kabaitan ng Dyosa Dahil sobra sobra na Ang kanilang ibinigay sa kanilang karangyaan at kayamanan. Nakita naman iyon ng Dyosa kaya ngumiti naman siya dito. "Mahal na Reynang Moralta, kung nag-aalinlangan ka sa among ibibigay sa kaniya wag kang mag-aalala. Karapat dapat Lang sa kaniyang bigyan siya ng Regalo at bilang basbas na rin namin sa magiging Prinsesa ng kahariang Imorania-mofalia" sabi niya Sa kaniya at tinapik Ang Mahal a Reyna. Ngumiti nalang Ang Mahal na Reyna bilang pagsang-ayon. "Kung iyan po Ang nararapat. Wala na p.o akong magagawa pa at isa pa kayo rin po Ang makapangyarihan at kayo Ang May hawak sa lahat" sabi ni Reyna Moralta sa kaniya habang nakangiti. May kagandahang loob Ang Reyna kaya naman hindi siya magtataka kung bakit inuulan sila ng Grasya ng karangyaan at kapangyarihan. "Hindi naman sa ganun Reynang Moralta. Tunay ngang May kagandahan kang loob. Salamat sa iyong pagsang-ayon" Sabi ni Goddess Hera sa kaniya at ngumiti sa kaniya. Ngumiti naman Ito pabalik sa kaniya. "Walang anuman Mahal na Dyosa, pupunta muna ako sa mga bisita para asikasuhin sila" Sabi niya naman at nagbigay galang bago umalis sa kaniyang harapan. Ngumiti si Hera sa pagsang-ayon ng Reyna. Naglakad na siya papunta sa naghihintay na kaniyang kasamahan. "Masyadong matagal Ang inyong pag-uusap" saad naman ni Athena sa kaniya. Ngumiti Lang ito sa kaniya. "Sumang-ayon na siya sa pagbibigay natin ng Regalo sa Mahal na Dyosa ng Era Salvatora" sambit niya naman at sumilay Ang kaniyang ngiti sa kaniyang mga labi. Nagbilog naman silang lahat para bigyan ng karapat Dapat na regalo Ang Mahal na Dyosa na si Era Salvatora at tanging mga maliliit na tawa Ang maririnig mo sa munting Dyosa. Isinagawa na nila Ang kanilang ritwal at ipinasa nila Ang kalahati ng kanilang mga kapangyarihan. Alam nilang May natatagong kapangyarihan Ang Dyosa at mas higit pa sa kanila ang kaniyang kapangyarihan pero sadyang gusto nilang ibahagi Ang kanilang kapangyarihan bago makuha ng kalaban Ang buo nilang kapangyarihan. Mas Mabuti nang mahati Ito kaysa maging buo Ang pagkuha ng kapangyarihan nila. Alam niyang makapangyarihan Ang kalaban nila. Umilaw Ang Mahal na Dyosang Era Salvatora at Bumukas Ang kaniyang pakpak sabay ng pag-ilaw ng mga mata nito. Tunay ngang makapangyarihan siya. Nilagyan ni Aries ng Proteksyon Ang Barrier na nakaharang sa kanilang lahat Dahil sa pag-iingat na may makaalam sa kaniyang katauhan. Biglang umilaw Ang kanilang mga mata ng naghawak-kamay silang lahat. Ang kanilang dibdib na kung saan Ang kanilang mga kapangyarihan ay umilaw rin. Naunang magbahagi si Zeus Ang pagbahagi sa kaniyang Kapangyarihan at sumusunod Ang lahat ng mga Dyos at Dyosa. Ang Dyosa ay sobrang makapangyarihan sa lahat. Si Era Salvatora Ang nag-iisang Prinsesang naging isang Dyosa para iligtas Ang lahat ng Imorania-mofalia. "Vivet et Dyosa Era Salvatora" sabi nila sa isipan nila habang may mga ngiti sa kanilang labi. Ang Dyosa ay binigyan ng Kalahati ng kanilang mga kapangyarihan Pero Hindi makakatakas sa kanilang sekreto Ang isang Diwata at Reyna ng kalangitan. Nauna nang magbigay nang kaniyang kapangyarihan Ang Matagal ng Reyna ng Kalangitan ng pasekreto samantalang binigyan ng proteksyon ng isang Diwata Ang Mahal na Dyosa ng Era Salvatora. Tunay ngang siya Ang nag-iisang Kahuli-hulihang Dyosa ng lahat. Ang magliligtas ng Lahat ng nilalang sa Imorania at mofalia. Kasabay ng pagbibigay ng kaniyang Titulo bilang Dyosang si Era Salvatora ay Ang malaking responsibilidad nito at Ang pagharap sa mga pagsubok ng buhay. Ang ikinakaba Lang ng Lahat ay Ang kaniyang pagharap sa kalaban na matagal nang nakakulong.. Mabuhay si Era Salvatora, ang kahuli hulihang Dyosa ng Imorania-mofalia. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD