CHAPTER 12: DOWNFALL OF FLOWERIA
_____________________________________________
***In Immorania World***
_____________________________________________
UNKNOWN POV
Napapangiti nalang ako kapag iniimahi ko Ang mga susunod na pangyayari. Mapapabagsak ko na rin Ang Kahariang matagal Nang namumuhay. Mga Walang kalakas lakas na mga Engkantado lang naman Ang nakahiga on at Hindi kailangan ng mundong ito ng mga mahihina.
Sino ba kasi Ang mag-aakala na ang isang katulad namin Ay naging ganito? Hindi niyo naman kami masisi kasi sila Ang nauna at lahat ay kasalanan nila kung bakit Kami nandito.
May naramdaman naman akong presensiya at Alam Ko kung sino siya. "Ano Ang iniisip mo Mahal Kong reyna?" Tanong ng aking asawa, siya lang ang nagtiwala sa kakayahan ko at nagtiwala sa akin Pero Hindi ko naman papakinabang Ang lahat ng yun Dahil papatayin ko din naman siya.
"Iniisip ko kasi Ang magiging resulta ng ating mga plano at Sigurado akong Lahat sila Ay mapapaiyak" sagot ko sa kaniya, panahon na para maghigante. Lahat ng pwedeng mapuntahan ng huling Dyosa ay wawasakin ko at Sisiguraduhin Kong magmamakaawa siya sa akin, hanggang kamatayan.
At maiipasa niya na rin lahat ng kapangyarihan na taglay niya sa akin at sa mga pamilya ko, Na Dapat naman talaga Ay sa amin mapunta.
"Maghanda ka na at makikita mo Ang pagbagsak ng Floweria, kung saan Lahat ng mga bulaklak na magbibigay kaligayahan at mawawala na sa mundong ito" sabi niya, gusto Kong panuorin ito. Ang pagpagbagsak ng Floweria. Mawawalan rin kayo ng kaligayan. Hmm.. Ang galing galing...
"Walang makakapigil sa atin kahit na ang huling Dyosa" sabi ko at tumawa ng malakas. Panahon na para sa paghihigante. Maghihigante ako hanggang sa Huling hininga ko pa.
Mawawala na rin ang Floweria at magiging akin na ito, Lahat Nang nandito at Dapat nasa akin lang. Akin at akin lang.
Hahahahahahaha
_____________________________________________
PORESA POV
Ako nga pala Ang Reyna Nang kahariang Floweria. Kung saan Ang sentro ng kaligayahan ng mga Engkantada at Engkantada.
Masayang masaya Ang mga Engkantada o Engkantado na tinatawag na mga Floresa ay Ang mga nakatira sa Floweria na aking kaharian. Ito Ang nagbibigay kaligayahan sa aming mga Engkantadang tagapangalaga ng mga bulaklak.
May mga ibang Floresa na nanggagagamot, May mga Pampaganda, panlaban at iba iba pa. Nakakatawa lang isipin na unti unti Nang bumabangon Ang mga Kaharian ng Imorania.
"Mahal na reyna" paninimula ng aking tagapaghayag habang nagbigay walang sa akin. Siya si Jasmine Ang aking tagapaghayag at Kanag kamay.
Tumingin naman ako sa kaniya at ngumiti.
"Ano Ang iyong sasabihin?" Tanong ko sa kaniya, habang nakatingin sa kaniya habang nakangiti.
"Mahal na reynang Poresa, naka-alis na po Ang Mahal na prinsesang Lily. At kasalukuyang papunta sa kaharian ng limang elemento para masubukan Ang mga bagay bagay at makapag-sanay pa. Sa Akademya ng Limang Elemento, Akademya de Immorania" balita ng aking tagapaghayag Kaya naman napangiti ako sa sinabi niya. Nakarating na pala Ang Mahal na Prinsesang Lily sa Akademya.
Alam Kong Mas magkakaroon ng kabuluhan Ang kaniyang buhay pagtapak na pagtapak niya Sa Akademya na yun kung saan nagkaroon ng kabuluhan Ang naming mga buhay.
Kung saan Kami unang nagkakilalang dalawa. Napapangiti naman ako kapag naalala ko na naman Ang mga araw na kasama ko siya. Alam Kong binabantayan niya ako ngayon pati na Ang kaming mounting Prinsesa.
"Salamat sa iyong pahayag Jasmine. Pwede ka nang umalis" sabi ko sa kaniya, inimbitahan kasi Kami ng limang elemento na pumunta sa kanilang paaralan para makapag-sanay at makapag-aral ng iba't ibang mahika Ang aking anak na Si Lily na kagaya ko rin Ang magiging kapalaran niya.
Umalis naman siya habang nagbigay galing sa akin. Nagpapasalamat talaga ako sa araw araw na dumating sa aking buhay.
Mamimiss ko talaga siya. Mahal Kong Prinsesa sana'y maging masaya ka sa magiging kapalaran mo. Mahal Kong anak tandaan mo na nagsisimula palang ng kwento mo.
Nang sumilip ako sa bintana Ay may itim sa kalangitan na noo'y may kulay rosas at dilaw. Among nangyayari? Bakit may itim? Hindi pa gabi para magpalabas Ang Kolorias ng Itim na kulay?
"Ano Ang nangyayari Dito?" Tanong ko sa aking kanang kamay dahil nagmamadali siyang tumatakbo papunta sa akin.
"Mahal na Reyna, may nakapasok daw na kalaban sa loob ng ating kaharian. Hindi nila alam Kung bakit sila nakalampas sa ginawa mong harang" sagot niya sa akin habang hingal na hingal. Hindi ito masaya nag-uumpisa na naman siya. Nag-uumpisa na naman Ang matagal Nang nakasaad sa propesiya na digmaan. Malapit na siyang dumating..
Hindi maganda itoo.. isa itong sakuna.
Marahas akong lumingon sa kaniya. Nararamdaman ko na Ang katapusan.
"Wala Nang oras, kailangan mong tawagan Ang mga kawal at kahit na ang nagbulontaryo na sumugod. Pagkatapos mong gawin iyon Ay Pumunta ka sa kaharian ng limang elemento at sabihin sa kanila Ang nangyayari Pero wag niyong babangitin ito sa aking Anak na Si Lily. Umalis ka na at Wala Nang oras" utos ko sa kaniya at agad agad siyang lumipad, hindi ito maari. Hindi dapat mawasak Ang kahariang sinimulan ko. Hindi dapat mawasak Ang Floweria na nagbibigay saya sa lahat. Mawawala na Ang saya Kong babagsak Ang aking kapangyarihan.
Alam Kong dadating Ang sakunang to, Alam Kong malapit na Ang katapusan namin dahil paparating na siya. Paparating na Ang pinili at Hindi hahayaan ng mga masasama na makarating siya rito ng buhay.
Kailangang Magsasakripisyo para sa lahat dahil yun lang Ang magagawa namin. Ang protektahan Ang Pinili ng nakakataas.
"Floribus meam Virtute imperium adferte Luarinian erunt in omni euventute Floresa" Wala na akong panahon, kailangang ilikas Ang mga batang Floresa, Ayokong mawalan sila ng bukas ng dahil lang sa mga traydor.
Lumabas na ako ng kaharian at hinarap Ang pinuno ng kanilang panig. Isang traydor din pala Ang pinadala nila. Mga taksil sa Imorania.
"Hindi niyo matatalo Ang kadiliman" sigaw niya at lahat ng mga bulaklak Ay nawawalan ng kulay pati na ang mga paru-paru na lumilipad ay nawawalan na sila Nang malay. Kahit ako ay nanghihina na, Pero di Dapat ito mangyari. Hindi dapat magyari Ang aking kinakatakutan.
Unti unti nilang sinisira Ang sentro ng aming mga kapangyarihan. Ang sentro ng Floweria, hindi ko hahayaang matalo Kami sa laban ng ganun Ganun lang. Hindi ako papayag.
Dahil Ang Mawala Nang tuluyan Ang Floweria Ang pinakamasakit sa lahat ng bagay na maramdaman ko. Ang Floweria Ang kahariang iniligtas niya para sa akin.
"Walang sinuman Ang magpapabagsak sa Floweria" sigaw ko at pinalabas ko Ang nakakalasong bulaklak, Wala na akong ibang paraan para maprotektahan sila dahil Hindi naman kami sanay sa mga laban. Kami ay mga masasayang Engkantada. Kami ay nagpapaligaya sa mga Diwata na nandito sa Imorania.
Nanghihina na ako, nanghihina ako Dahil sa sakit na nararamdaman ko.
"Sa tingin mo ba, gagana yan?" Tanong niya sa akin na nakangisi, alam kung Hindi yan tatalab pero mamatay ka sa oras na dumikit ito sayo. Bakit ka ba kasi pumanig sa kalaban Ivy? Bakit?
Itinaas niya Ang kaniyang kamay at biglang nanikip Ang aking mga dibdib. Ivy...
"Ivy isa kang traydor. Akala ko pa naman ikaw Ang, ikaw yung tutulong sa akin. Akala ko ba magkaibigan tayo? Bakit?" Tanong ko sa kaniya pero tumawa lang siya ng napakalakas na para bang demonyo. Nagbago na talaga siya. Hindi na siya Ang Ivy na nakilala ko.
"Sa tingin mo tutulungan kita? Para ano, para maging alipin? Nagpapatawa ka ba? Poresa, ikaw yung dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Inagaw mo siya sa akin, inagaw mo Ang Dapat na sa akin na kaharian. Ilang taon na ba? Ilang taon na ba na naging Reyna ka Dahil sa katraydoran mo?" Tanong niya sa akin na puno ng kalungkutan. Ang kaniyang mga mata na palaging kaysaya Ang makikita mo dati, ngayon ay puno na ng galit. Ivy...
Ngumiti siya sa akin at May Mukhang dumaloy sa kaniyang mga mata.
"Ang kasiyahan ng kagaya mong Engkantada ay tapos na. Wala kang dugong Imoranian Kaya naman mamatay ka talaga, Dahil kailanman Hindi ka dugong bughaw. Masyado ka Nang nasiyahan sa naabot mong pangarap. Ngayon puputulin ko na Ang iyong kaligayahan. Ang iyong buhay. Ito na ang katapusan mo" sigaw niya at nagpalabas ng itim na katana. Hindi ako makagalaw na para bang may galing nakapalibot sa akin. Hindi, Hindi pwede...
Nakangiti niya akong nilapitan at hiniwa niya Ang aking katawan. At ngayon nakahandusay na ako sa sahig habang maraming dugong nawawala sa akin.
Ito na talaga Ang katapusan ko, Ang katapusan ng Floweria. Ang aking minamahal na kahariang Floweria.
"Magbabayad kayong Lahat Tandaan niyo iyan" yan Ang huling sinabi ko bago mawalan ng malay.
Bumagsak na ang aking kahariang Floweria, bumagsak na.
______________________________________________
IVY POV
Nakangiti ko siyang tinitingnan habang unti unti na siyang nawawalan ng buhay na kagaya ng isang bulaklak.
Hindi siya karapat Dapat na Reyna Dahil Wala siyang dugong Imoranian, Ang lagi ng mga immortal.
Kung Hindi mo pa kasi inagaw sa akin lahat, Hindi mangyayari Ang lahat ng to. Pinilit mo akong maging masama.
Kung tatanungin niyo kung ano ang meron sa aming dalawa, siya lang naman Ang aking matalik na kaibigan, Traydor na matalik Kong kaibigan. Ako naman talaga Ang itinakdang Maging Reyna ng Kahariang Ito kung Hindi niya lang ako inagawan sa kaniya.
Minsan talaga, kailangan mong pumatay para Lang sa kasiyahan mo.
"Wag kang masyadong matuwa, Ivy. Kakailanganin ko pa siya sa aking susunod na hakbang" may narinig naman ako sa kalangitan at Alam Kong siya iyon, Alam Kong siya Ang may pakana ng lahat ng to. Ang misteryosong Dyos.
"Ano't inyong kailangan kamahalan?" Tanong ko sa kaniya at naramdaman ko naman ang pag-ihip ng hangin na sobrang lamig.
"Wala naman akong kailangan Ivy, gusto ko lang ipaalam sayo na hindi pa tapos Ang laban para magsaya" saad niya naman sa akin. Tama naman siya, Dahil nakakasakit talagang umasa sa panalo kung Hindi pa tapos Ang laban..
Tiningnan ko naman Ang aking mga kasamahan na pinatay Ang mga mahihinang engkantado rito.
"Tigil! Tapos na Ang laban natin dito sa Floweria. Bumalik na kayo sa kaharian para ipag-alam sa Mahal na Dyosa Ang aging tagumpay" sambit ko sa kanila na agaran naman nilang sinunod. Napangiti ako sa nakikita ko.
Dugo ng mga mahihina Ang dumidilig sa mga bulaklak Kaya naman unti unti itong Nawawalan ng buhay.
Lumingon naman ako sa sentro at Nakita Ang isang napakagandang Bulaklak, siya Ang sentro ng kanilang kapangyarihan, ang kanilang lakas.
Itinaas ko naman Ang aking mga kamay at lumabas Ang aking sandata, ang katana ko, ang katana na puno ng lason.
Hiniwa ko Ang bulaklak na iyon at biglang unitim Ang lahat. Kaya naman napangiti nalang ako. Ang mga hiyaw ng sakit Ang nagbibigay kaligayahan sa akin.
Ang dating puno ng saya na Floweria ay ngayong naabutan ng bagong imahe. Ang Floweria na puno ng pasakit at pag-iyak. Ang kadiliman na bumabalot sa sarili nitong pagkatalo.
Unti unti akong naglakad sa lugar na iyon at Nakita Ang imahe ng lalaking nagpatibok ng puso ko kasama Ang aking taksil na kaibigan at kanilang anak.
Sayang talaga Ang buhay niyong dalawa, Dahil sa kataksilan ng pag-ibig Ang siyang papatay sa inyong mounting prinsesa kasama na Ang magiging anak niya at sa magiging lahi niya.
Nakakatawang naging Reyna ka pa sa iyong magulang kapangyarihan.
Lily, maghanda ka na sa iyong pagkatalo Dahil titiyakin Kong umiyak ng dugong at sakit habang nagmamakaawang patayin din kita kagaya ng ginawa ng iyong ama.
Hindi ko hahayaang matalo ulit ako sa laban, at Hindi ko hahayaang hanggang dito lang Ang pagkapanalo ko_
____________________________________________
A/N: LITTLE REMINDER;
Iba po Ang Diwata sa Engkantada sa kwento ko. Dahil Ang mga Engkantada ay mga maliliit lang silang mga nilalang na nagbabantay sa mga Bulaklak. May Mga pakpak sila Kaya nakakalipad. Samantalang Ang mga Diwata naman ay Ang mga Deity Kong sa ingles. Sila itong parang tao Ang mukha at mga malalakas kaysa sa mga Engkantada.
Kung napapansin niyo rin po na sinabi ni Ivy Ang bagay tungkol sa lahing Imoranian. Sila naman po Ang mga immortal, kasunod sa lagi no Hating Morales ng Imorania-mofalia.
Ang ibang Hari at Reyna ay may dugong Imoranian na Walang kamatayang hinaharap.
Yun lang po..