Week 1: How to create an initial outline?

484 Words
Outline Scene 1: Savanna's Home Minulat ni Savanna Ramirez ang paningin at agad na nakita ang quadruplets niyang inosenteng pinagmamasdan siya habang natutulog. Ang puso niya ay agad na lumubo nang masaksihan ang napak-cute na tanawin ng mga anak. Iniwanan niya ang quadruplets sa mga magulang dahil maghahanap na siya ng trabaho ngayong araw. Si Savanna Ramirez ay ay may edad na 27 at isang rehistradong Mechanical Engineer. Ang buhay abroad niya ay naging maganda naman. Pero dahil sa kagustuhan ng mga magulang niya kaya nagdesisyon silang umuwi ng Pilipinas. Miss na raw kasi ng mga ito ang bansang pinanggalingan. Pumunta lang naman kasi sila sa Amerika dahil nababatid nilang ito ang mas makakabuti kay Savanna. Tinanggihan kasi ni Savanna ang alok na kasal ng boyfriend pagkatapos na pagkatapos ng graduation nila. Ang boyfriend niyang ito ay siya ring ama ng quadruplets niya. Ngunit tila mapaglaro ang tadhana. Sa pagliko kasi ng minamanehong sasakyan ni Savanna ay may nabangga siya. Isa ring sasakyan ngunit mas magara ito kompara sa kanya. Lumabas sa nabanggang behikulo ang galit na lalaki. Ang lalaking ito ay walang iba kundi ang iniwanang boyfriend ni Savanna. Siya ya si Dominique Reves. Scene 2: Along the Road Dahil sa hindi pa handa si Savanna sa tagpong iyon, pagkatapos niyang ipakita ang mukha kay Dominique ay muli niyang isinirado ang bintanang ng sasakyan. Iniwanan niya ang naka-three piece suit na lalaki na tila natigilan nang makita kung sino ang bumangga sa sasakyan niya. Habang bumabiyahe, ang konsensya ni Savannah ay muli siyang sinumbatan. Wala naman kasing nagawang mali si Dominique para ewan niya ito. Ang nanay ng lalaki ang dahilan kung bakit siya humantong sa ganoong sitwasyon. Hindi kasi mayaman ang pamilya ni Savannah, kaya maari iyon ang dahilan kaya binalaan siyang huwag nang lumapit sa anak nito kung ayaw ng Pamilya Ramirez ang pinakamasama sa kanila. Dagdag nito ay ipinagkasundo nang ipakasal si Dominique sa ibang lalaki. Wala nang atrasan iyon. Dumaan ng ilang sandali at nasapit na ni Savanna ang unang kompanya na binabalak niyang aplyan. Nang makita niya rito ang best friend ng boyfriend niya. Pero ewan niya kung mag-best friend pa rin ang mga ito. Siya ay si Mart Gregory at ipinakilala niya ang sarili bilang secretary ng CEO. Scene 3:Dominique's Home Masakit ang ulo ni Dominique kaya nagdesisyon siyang sa bahay na ipagpatuloy ang trabaho. Nang biglang may tumawag sa kanya. Ang best friend niyang si Mark Gregory ito. Sinabi nito na nag-apply raw sa kompanya si Savanna Ramirez. Napatawa si Dominique dahil sa nalaman. Sinabihan niya ang best friend na pahirapan muna sa mga tanong ang babaneg manloloko bago ito tanggapin. Pero hindi sa gusto nitong trabaho. Ang tungkol naman sa sahod ay mas malaki ang iaalok kaysa sa sahod ng gusto nitong trabaho. Iyong nga lang, maging utility personnel siya ng kompanya ni Dominique. Gaganti kasi ang CEO sa babaeng una nitong minahal nang pinakamatindi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD