Dominique Reves
Step 1: Design the background of the protagonist
Si Dominique Reves ay ang ikalawa sa tatlong anak ng pamilya Reves, isang tanyag na pamilya na nagmamay-ari ng Reves Automobile Company. Masaya ang naging buhay pagbibinata ni Dominique. Nang nag-aaral siya ng engineering ay nakilala niya niya si Savanna Ramirez. Naging syota niya ang babaeng ito hanggang magpropose siya ng kasal dito at tinanggihan siya nito.
Dahil sa sama ng loob ay isinumpa niyang maghihiganti sa babaeng ito.
Hanggang sa binalita sa kanya na ang kuya niyang si Arnel na nasawi sa sumabog na eroplanong sinasakyan nito. Dahil dito ay ipinamana sa kanya ang kompanya ng pamilya.
Step 2: Figure out your character's personality
Si Dominique ay isang masayahing lalaki. Naging suplado lamang ito at arogante nang iniwanan siya ni Savanna. Sa pagbabalik ni Savanna, nanatiling suplado pa rin at arogante si Dominique. Gumaganti rin ito dahil sa ginawa noon ng babae. Pero hindi namamalayan ni Dominique, muling nanunumbalik ang pagmamahal niya kay Savanna.
Step 3: Figure out the physical features
Si Dominique ay isa matangkad, malaki, at gwapong lalaki. Puti ang kulay ng balat niya, itim ang buhok nito, blue green ang mga mata. Sa muling pagkikita nila ni Savanna, siya ay 25 years old na.
Step 4: Build social relationships
Savanna Ramirez
25 years old. Magandang babae na itim ang kulay ng buhok, coffee brown na mga mata, at mahahabang pilikmata. Mahal niya si Dominique pero mas pinili niya ang kapakanan ng pamilya kaysa sa kagusruhan nito. May anak na quadruplets.
Mathilda Reves
50 years old. Ina ni Dominique at ang kontrabida sa istorya. Wavy black and buhok nito at kulay bughaw ang mga mata. Napalapit ang loob niya sa quadruplets na hindi alam na totoo niyang mga apo ito.
Mark Gregory
25 years old. Bestfriend at secretary ni Dominique. Itim ang buhok nito at kulay brown ang mga mata. Siya ang parating nagbabantay kay Savanna.