SA ARAW ng pagbalik ko sa bahay ng mga Ibarra, sinabihan ako nina Jace at Deana na magkita sa palengke. I mean, hintayin ko raw sila roon o sila ang maghintay sa akin. Gusto nilang makipagkita sa akin dahil gusto nila makasagap ng kwento at chismis sa akin. E, kahit papaano ay kilala ko ang dalawang lukaret na ‘yon. Kahit sa tagal naming hindi nagkita, g na g sa chika ang dalawang ‘yon. Tote bag lang naman ang nakasakbit sa balikat ko habang hinihintay ang dalawa sa palengke. Kung naimpake ko lang ang mga naiwan kong gamit sa bahay ni Uno, talagang hindi na ako babalik do’n. Nangako lang talaga ako kay Seven na babalikan ko ang bata. I won’t repeat the same mistake of Mia Karen. Para kay Seven, hindi na lang ako magpapa-apekto sa sasabihin ni Uno sa akin kapag nakabalik ako sa bahay ni

