NAKATAYO ako sa harap ng hospital cashier booth ngayon. Nakapila habang tinatapik ang sahig gamit ang paa ko. Lima pa naman ang nakapila sa harap ko at medyo tinatamaan na ako ng inip. Hawak-hawak ko ang pitaka na naglalaman ng pera na pinahiram sa akin ni Tito August at ng ilang tao na nilapitan namin ni Mama. Five days. Limang araw ring nasa ospital si Oli. Sa loob ng limang araw na ‘yon, hindi ko nagawang umuwi sa bahay ni Uno. ‘Ni ang tumawag ay hindi ko ginawa. I am still offended to what emotion I saw in his face and to what he told me that day. Naiintindihan ko si Uno sa part na he was holding his grudge because I had the same face as his ex-wife, pero sana man lang ay naisip niya na hindi ko kasalanan ‘yon. Hindi ko kasalanan ang naging pag-iwan sa kanya ni Mia Karen. Sa totoo

