TATLONG ARAW. Tatlong araw na ang nakalilipas mula nang magbalik ako sa bahay ng mga Ibarra. Hangga’t maaari ay iniiwasan kong makasalubong ang tingin ni Uno. Kahit sabihin na nating malaki ang bahay niya, nasa iisang bubong pa rin kami at palagi ang pagsasalubong namin ng mga landas. Kaya ang mga tingin na lang niya ang iniiwasan ko. Ngunit kahit sabihin na nating nagwawagi ako sa aking ginagawa, damang-dama ko pa rin ang mapanuring tingin niya na sumusunod sa bawat galaw at kilos ko. He was like a crow, waiting for his prey to tripped. As well as his presence gives shiver down to my spine. Para bang segu-segundo ay nakabantay siya sa akin. Feel ko tuloy, para kaming naglalaro ng chess at naka-checkmate na ako sa kanya. It was Saturday. So, basically ay walang pasok si Seven. Isama mo

