Dear Husband, Totohanin Na Natin! Mia Barbara Ybanez CHAPTER 24 DAIG KO pa ang sasabak sa isang job interview sa sobrang kaba. Kasalukuyan kaming lulan ng sasakyan at papunta kami ngayon sa munisipyo ng Buena Astra. Sa dami ba naman ng reward, bakit ang makita si Uno ang hiniling ni Seven? E, araw-araw naman silang nagkikita! Sinulyapan ko si Seven. Magkatabi kaming nakaupo sa backseat ng kotse. She slightly bouncing on her seat as she kept on glancing over the road in front. Para bang hindi siya makapaghinaty na makarating sa munisipyo at makita si Uno. Lihim na bumuntong hininga ako. She’s just a child who craves attention. “Bakit ho mukha kayong kabado?” Tiningnan ko si Kael na focus na focus ang atensyon sa highway na tinatahak ng sasakya

