CHAPTER 2

1015 Words
SA ILANG minutong pagmumuni-muni niya sa loob ng kuwarto ay bumaba na siya upang maghugas ng mga pinagkainan nila. Umakyat na rin agad siya sa kanyang maliit na kuwarto pagkatapos niyang gawin ang paghuhugas at paglilinis ng bahay. Sa buong parte ng bahay nila ay ang sarili niya lang na kuwarto ang bukod tanging nakakikilala kung sino siya. Inilibot niya ang tingin sa kabuoan ng kanyang kuwarto. Sa ilang taon na nabuhay siya sa mundo ay ito lang ang lugar ang naramdaman niyang kabilang siya. Medyo natatanggal na ang mga pintura sa dingding na kanyang kuwarto dahil sampung taon na rin mahigit simula noong napinturahan nila ito ng kanyang ama, at basag na rin ang ilang salamin ng kanyang bintana na hindi na nagawang papalitan dahil na rin sa ang pera ay nakalaan na sa panggastos nila pang-araw-araw. Kapag may oras para kumuha siya ng larawan na masaya siya ay ginagamit niya ang kanyang cell phone na iniregalo pa sa kanya ng papa niya noong ikalabingwalong taong kaarawan niya. Pagkatapos ay pinapa-print niya kapag may ekstra siyang pera mula sa kanyang baon. Pagkauwi ay idinidikit niya ito sa lugar kung saan niya ito madaling makita. Sa ganoong paraan ay maalala niya sa pamamagitan ng larawan ang mga pangyayari na naging masaya siya. Pinunasan niya ang luhang dumadaloy mula sa kanyang pisngi. “Hindi! Hindi mo kailangang umiyak, Akhi. Tama na ang maraming beses na pag-iyak mo dahil sa kanila. Dahil kahit anong gawin mo ay hindi ka nila magugustuhan. Dahil wala na ang Papa Alec mo na lagi kang ipinagtatanggol sa evil witch mong kapatid at mama.” Ramdam niya ang mainit at masaganang luhang dumadaloy sa kanyang magandang mukha. Sa isip niya ay para siyang si Cinderella na pinagmamalupitan ng stepmother at stepsisters nito, ang kaibahan nga lang sa kanya ay totoo niyang ina at kapatid ang gumagawa nang hindi maganda sa kanya. “Aalamin ko kung anuman ang itinatago sa akin ng mommy ko. Kapag nalaman kong totoo ang hinala kong ampon ako ay aalis na agad ako rito sa bahay na ito, at kung bakit ginagawa nila ‘yon sa akin para saktan ako.” Marami siyang bagay na ipinagtataka sa pamilya niya. Una, wala siyang kamukha sa magulang niya. Mas lalong wala silang pagkakahawig ng kapatid niya. Pangalawa, Hindi niya alam kung bakit nasa Antipolo sila nakatira samantalang ang negosyo ng pamilya nila ay nasa Maynila. Pangatlo, may kakaiba sa ikinikilos ng Mama Joan niya pati ang kapatid niyang si Blesie na parang ang laki ng galit sa kanya. At panghuli ay hindi niya pa nakikita ang ilang mga kamag-anak nila dahil tuwing may dadaluhan itong party ng kanilang pamilya ay hindi siya laging sinasama. Mabait naman ang Papa Alec niya. Wala itong ipinakitang hindi maganda sa kanya. Lagi siya nitong ipinagtatanggol tuwing naabutan siyang pinagmamalupitan ng Mama Joan niya at kapatid. Pero dahil wala na ito ay wala na siyang kakampi sa kanilang bahay. Kaya ngayon, susundin niya ang tumatakbo sa isip niya. Iyon ay alamin ang sekretong itinatago ng pamilya niya tungkol sa pagkatao niya. Hindi naman siya bobo para hindi maramdamang hindi siya kabilang sa mundong ginagalawan ng mga ito. NAGISING si Akhi dahil sa ingay na nagmumula sa alarm ng cellphone niya. Kinusot-kusot pa niya ang kanyang mata para gisingin ang kanyang diwa. Gustuhin man niyang matulog pa ay hindi na puwede, dahil tuwing alas-singko ng umaga ay trabaho niya na ang magluto muna ng almusal bago siya umalis para pumasok sa paaralan. “Good morning, God! Salamat po at binigyan niyo po ako ng panibagong buhay. Sana po bigyan niyo ako ng lakas para harapin ang lahat ng pagsubok sa buhay,” piping dasal niya habang nakapikit na kinakausap siya. Masiglang tumayo si Akhi sa kanyang luma pero maayos pang higaan. Sa loob kasi ng labingwalong taon ay ito na ang kanyang higaan. Maayos niyang isinalansan ang apat na malambot niyang unan at kumot kahit kupas at sira na ang mga ito ay maingat niya itong inaalagaan. Pinagpagan pa muna niya ang higaan bago niya napagpasyahang suklayin ang mahaba at along-along buhok saka itinali bago siya bumaba sa kusina. Lahat ng mga gamit niya sa loob ng kanyang kuwarto ay mahalaga sa kanya, dahil ito ang tanging alaala na ibinagay sa kanya ng kanyang yumaong ama. Labinglimang taon siya no’ng mamatay ito dahil sa sakit na leukemia katulad din ng pagkamatay din ng tita niyang si Marianne. Tatlong taon na rin simula noong wala na siyang kakampi sa pamamahay nila. Mabuti na lang na kahit masama ang pakikitungo sa kanya ng ina at kapatid ay hindi naman pinapakailaman ng mga ito ang kanyang mga gamit. Tiningnan niya ulit ang oras sa cell phone na nasa bulsa ng short niya. Pagtingin niya sa oras ay agad na nanlaki ang kanyang mata nang makitang limang minuto na ang lumipas simula nang magising siya. Kaya agad siyang nagmadali na bumaba sa hagdan para pumunta sa kusina. Bawat minuto kasi ay mahalaga kung hindi, alam niyang pagagalitan na naman siya nang kanyang ina kapag hindi niya na gawa ang gusto nito. Pagkarating ay agad siyang kumuha ng puwedeng lutuin para sa almusal. Sunod-sunod niyang isinalang ang sausage, itlog, bacon pagkatapos ay nagsaing na siya ng kanin. Nang matapos na siya sa ipiniprito ay nilagay niya na ‘yon sa lamesa at tinakpan para hindi langawin. Kumuha siya ng ilang piraso nito para kainin na rin ang kanyang almusal dahil bago umalis ng bahay ay kailangang busog na siya. Hindi rin kasi sapat ang perang ibinigay ng mama niya para pangkain. Mabuti na nga lang ay nakaka-survive siya kahit papaano sa tulong ng nag-iisang kaibigan niya sa Gem University. Nang dahil nga sa maaga pa ay siya pa lang ang gising sa kanilang bahay. Si Blesie kasi ay mamaya pang alas-sais ang gising. Bumaba na lang ito ng nakabihis na at kakain na lang bago umalis. Ang mommy naman niya ay alas-nuebe na gumigising. Tapos aalis na lang ito ng bahay pagkatapos kumain. Pakiramdam siya kapag nawala siya sa bahay na ito ay ikamamatay nila dahil sa kanya na sila nakadepende.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD