"O-okay, sige titingnan ko kung makakasama ako. Pero hindi ako nangangako. Baka kasi di ako payagan ng mama ko. Alam mo naman na hindi ako pinapayagan noon lalo na kapag nalaman niyang sa party lang ako pupunta." Ngumiti muna si Alice bago nagsalita. "Pero Ate Akhi hangga't maaari gumawa ka ng paraan ha? Gusto ka rin kasing makita ng mga kaibigan ni Mommy Danella. Please, ate?" "Bakit naman? Hindi naman nila ako kilala. Saka isa pa di naman na kami mayaman katulad ng dati. Saka di ako nababagay sa party ninyo," nagtatakang tanong niya kay Alice. "Hindi ko rin alam pero baka na-curious sila kung paano mo ako napasunod ate. Alam mo namang napakabait ko hindi ba?" sabi nito sabay ngiti nang malapad. "Ba-baka nga..." tanging nasabi na lang niya pagkatapos ay nagpaalam na kay Alice para

