HABANG naglalakad sa kalsada ay hindi pa rin mawala sa isip niya ang larawan ng dalawang lalaki at babae na nakita niya sa Google browser noong nag-research siya kagabi para sa project nila sa Business Management. Gamit ang kanyang lumang Samsung Galaxy J2 Prime na iniregalo pa ng kanyang Daddy Alec noong labinglimang taon siya ay naghanap siya ng mga larawan ng mga sikat na businessman sa Pilipinas. Sa rami ng larawan na nakita niya ay sa isang larawan lang napatuon ang kanyang pansin. Isang lalaking nasa late 40’s na ngunit mababakas pa rin ang kakisigan dahil sa maskulado nitong pangangatawan na kitang-kita sa body fit na puting damit at maong na pantalon. Kasama rin nito ang isang babaeng nasa late 30’s na siguro na nakasuot ng pulang bestida, tapos kitang-kita ang mahubog na panga

