ISABELLE Hindi na mabilang kung naka ilang ulit na akong bumangon at humiga sa kama. Hindi ako makatulog dahil sobrang nalilito na ako sa aking nararamdaman para kay sir Blaire . Hindi ko maintindihan kung bakit biglang bumilis ang t***k ng aking puso kapag malapalit siya sa akin. Pilit kong pinaalalahanan ang sarili ko na magkaiba si Andrew at ang boss ko. Pero kapag magkakasama kaming dalawa nakikita ko si Andrew sa kanya. Ang pag-aalaga niya sa akin. Ang bawat kilos at galaw niya ay nagpapaalala sa akin ni Andrew . Ngunit hindi ba masyado naman yata akong ambisyosa kung pangarapin ko ang isang Blaire Santilian na nasa langit samantalang ako ay nasa lupa. Akala ko lang ba nag may gusto you siya sa akin dahil sa mga kilos niya. Hindi ko rin maipagkakaila na sobrang nagugustuhan ko

