Alas dyes na halos ng gabi nang bumalik si Edward sa mansyon. Tumuloy siya sa silid ng doktor para kumustahin ito. "Sa sala ho ako matutulog, huwag niyong isara ang pinto para marinig ko kung may kailangan kayo," bilin niya kay Dr. Martin. Napakunot ang noo ni Alexa ng marinig ang sinabi niya na noo'y nasa sa kwarto ng ama. "Dito ko muna pinatulog si Edward, anak," wika ng Doktor sa dalaga. Hindi naman ito tumutol pero umiwas itong tumingin sa kanya. "Sa kwarto ka na matulog, Edward, nandyan naman si Nelia para alalayan ako." "Hindi na ho, maaga din ho akong aalis bukas," pagtanggi niya sa suhestyon ni Dr. Martin. Nagpaalam siyang bababa na at naupo sa sofa para doon palipasin ang magdamag. Naghanap siya ng mababasang magazine para dalawin ng antok kahit puro fashion magazine ang na

