Makalipas ang ilang araw na pagpapagaling ni Dr. Martin sa ospital ay nakauwi na rin sila sa bahay sa Quezon City. At tulad ng dati ay kasa-kasama si William kahit saan sila magpunta. Sa harap ni Martin ay civil silang magkasintahan. Nag-uusap sila tungkol sa kalagayan sa hacienda at sa iba pang bagay --maliban lang sa problema nilang dalawa. Hindi na rin nauungkat ang nalalapit nilang kasal. "Matagal na tayong nandito, Edward. Baka kailangan mo nang puntahan ang hacienda," wika ni Alexa minsang nagkasabay sila sa kusina para kumuha ng maiinom. "Itinataboy mo na ba ako, Alexa?" deretso niyang tanong dito. Hindi niya na itinago ang pait sa boses niya. "Practical na tanong iyon, Edward, huwag mong bigyan ng kahulugan. Kapag tapos na ang mga check-ups ni Daddy ay gusto niyang umuwi na ng h

