Chapter 6

1108 Words
Alas sais na nakabalik si Edward sa mansyon kasama ang technician na gagawa ng aircon.  Si Dr. Martin ay naroon na rin ngunit may mga bisita itong kapwa niya doktor na kasama nito sa medical mission na gaganapin. Umakyat siya sa silid ni Alexa at naningkit ang mga mata nang makita ang dalaga na naka white sando lang at walang suot na bra.  Naka maiksing cycling short lang din ito na halos hindi rin kita dahil sa mas mahaba ng kaunti ang suot nitong sando.  Why does this woman is so alluringly sexy?  Pumasok siya sa kwarto nito sa gulat ng dalaga pero dagli lang ding nagpalit ng facial expression. "Hindi ka ba marunong kumatok?"  Hinablot nito ang twalyang kakatapos lang gamitin at ipinalibot sa katawan. "Ang kinakatok ay ang pintong nakasara, Alexa.  At ang pintuan ng kwarto mo'y nakabukas na tila nag-aanyaya sa sinumang papasok," matiim nitong sabi.  "Magdamit ka nang maayos dahil nandiyan ang gagawa ng aircon mo."  Sabay sara sa pintuan  at lumabas. Napahugot ng malalim na hiniga si Edward habang nasa isip pa ang huling anyo ni Alexa na halos kita na ang dibdib nito sa maluwag na sando.   Ilang sandali siyang naghintay sa labas ng pinto saka bumukas iyon.  Lumabas si Alexa na naka maong short na mas mahaba kesa sa suot nito noon unang dating nito sa mansyon. Sinenyasan niya ang technician na umakyat na. Bumaba si Alexa at kumuha ng maiinom.  Nagpupuyos ang dibdib niya sa asal ni Edward.  Kung gaano kagusto ng ilang kalalakihan na purihin siya'y puro pang iinsulto naman ang natatanggap niya dito.  At kung tratuhin siya nito'y parang isang bata.  She's twenty two not twelve years old.  Lumabas siya sa veranda kung saan naroon ang ama at mga kasama nitong doktor. "Hi, Dad!"  Humalik siya sa pisngi ng ama at umupo sa bakanteng upuang bakal. "Napakaganda ng dalaga mo, Martin,  hindi pa ba mag-aasawa yan?"  Biro ng isang doktor na may edad na.  Si Dr. Cheng ito na halos sampung taon na ring kasa-kasama ng ama sa mga medical mission nito sa iba't ibang lugar. "Gusto ko na nga sana at nang makapag-asawa pa ako," biro naman ng ama. "Kahit hindi ako makapag-asawa, Dad, pwede ka namang mag-asawa.  Subukan lang nila," ganti niyang biro.  Nagtawanan ang lahat ng naroon.  Napansin niya ang isang batang doktor na kasama nila na ngayon lang niya nakita.  "Kung walang boyfriend ngayon si Alexa aba'y baka pwede silang maging magka-ibigan ng anak ko," wika ulit ni Dr. Cheng sabay tapik nito sa lalaking katabi. Natatanaw niya si Edward sa bintana na tila nakikinig sa usapan nila sa ibaba.  Nilagkitan niya ang ngiti sa batang doktor at siya mismo ang nakipagkamay. "Hi! I’m Alexa Montemayor, Nutritionist."  Tinanggap naman ng doktor ang kamay pero sa halip makipagkamay ay hinalikan ang likod ng palad niya. "William Cheng, Neurosurgeon."  Kumindat pa ito sa kanya.  "Mukhang mapapadalas akong magbakasyon sa probinsya nyo Uncle Martin." "Why not?  Or maybe, Dad will allow me to go back to Manila instead."  Nakaisip siya ng idadahilan para makaalis sa lugar na iyon.  Hindi sinasadyang napatingin siya kay Edward at nakita niyang muling naningkit ang mata nito. "Well, Uncle, I can have her recommend at Saint Luke's.  Makakapasok siyang agad." "Not now, William," agap naman ng ama.  "May mga inaasikaso pa kami ni Alexa sa hacienda.  But you can visit here anytime." "Well then, can I invite you for a coffee tomorrow?" tanong muli ni William makalipas ang ilang sandali. "Gawa na ang aircon sa kwarto mo, Alexa."  Biglang sumulpot si Edward sa veranda na ikinabigla niya, nasa likod nito ang technician.  "Maaga tayong aalis bukas para kausapin ang mga supplier ng mga pataba."  Pagkatapos ay kinausap nito si Martin at nagpaalam. She rolled her eyes in disbelief.  Kung magsalita ito'y  parang wala siyang karapatang magdesisyon para sa sarili niya. Sinundan niya si Edward na naglalakad sa mahabang patio kasama ang technician.  "Excuse me, Edward,  you just can't decide for me.  Ask me first kung ano ang lakad ko bukas saka mo ako tanungin kung gusto kong sumama sa lakad mo."  "I'm sorry, sweetheart,  pero ang utos ng Daddy mo ay isama ka sa mga lakad ko." "I'm not going with you!"  pinal niyang sabi saka tinalikuran ito at hindi na hinintay pang magsalita.  Nagtuloy-tuloy naman si Edward sa nakaparadang pickup at sumakay kasama ang technician. Tinotoo niyang hindi siya sasama kay Edward kinabukasan dahil nang pumunta ang binata sa mansyon ay hindi pa siya nakabihis. "Alam ba ito ng Daddy mo?" "My god, Edward,  kailangan pa bang ipaalam ko kay Daddy ultimo pakikipag-date ko?" "So it's a date, huh."  May pait na gumihit sa mga mata nito pero hindi niya pinansin.  Might be his ego. "Ano pa ba ang tawag kapag lumalabas ang isang babae at lalaki?" Isang mahinang mura ang pinakawalan nito bago muling humarap sa kanya. "I am committing my time for you para maituro ang mga dapat mong malaman pero wala lang sa ‘yo ang mga iyon?"  Hindi siya nakasagot.  Gusto talaga niyang inisin ang binata pero bakit parang nagi-guilty siya sa sinabi nito? "Sa mga susunod na araw kung may mga gusto kang matutunan ay dumeretso ka na lang sa bukid.  Hanapin mo si Berto para sagutin ang mga gusto mong malaman."  Lumakad na ito palabas ng bahay saka pinaharurot ang sasakyan.   Alas dyes siya sinundo ni William at dinala siya nito sa coffee shop sa bayan.  Hindi niya maintindihan kung bakit tila nababagot siya sa mga kwento nito gayong halos pareho din sila ng linya; ang medisina.  Naisip nyang pano kaya kung si Edward ang kasama niya ngayon?  Kung hindi sila nag-aangilan ay hindi sila nagkikibuan.  But she never felt bored.  Tila may saya sa puso niya kapag kasama niya ang binata kahit pa laging tila sila aso't pusa. Halos paalis na sila ni William nang matanaw niyang papasok ng coffee shop si Edward at apat pang kasama nito.  Sandaling nagtama ang paningin nila pero hindi siya nito kinausap o pinansin.  Gusto niya itong puntahan pero malamig ang tinging ipinukol sa kanya nito kanina.  Nagpasya na lang siyang ayain si William na lumabas ng coffee shop.  Paglabas nila ni William ay nagyaya pa ito sa mall para mamasyal.  Paminsan-minsan ay hinahawakan nito ang siko niya para alalayan siya sa paglalakad.  She remembered how Edward touched her nang muntikan siyang malaglag pagbaba ng pickup at tila may kuryenteng nanaloy sa katawan niya.   Kay William ay walang ganoon. Alas singko na silang nakabalik ng mansyon.  Nag-stay pa si William ng halos isang oras kausap ang ama.  Naiinip man ay hinarap pa rin niya ito pero ang isip niya'y si Edwardang laman.  Nakauwi na kaya ito?   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD