Chapter 17 Raiya's Pov “Gabi na pala.” Wika ko sabay tingin sa orasan. “Mag alas otso na pala ng gabi hindi man lang ako ginising ni mama.” Ani ko. Bumangon ako pumunta sa cabinet para kumuha ng sando para isuot. Binuksan ko ang pinto saka lumabas ng kwarto. Bakit sobrang tahimik naman ng bahay parang ako lang ang tao dito. Dahan- dahan akong bumaba ng hagdan para tignan sila sa baba. “Abay walang tao dito nasaan kaya sila iniwan nila akong mag isa sa bahay.” Wika ko sa sarili “Ma! Pa! John! Nasaan kayo Ma?”Sigaw ko sa loob ng bahay. Sumilip ako sa kwarto nila pero walang tao doon sa kwarto. “Nasaan kaya sila bakit walang tao.” Wika ko. Biglang may kumatok sa pinto. “Sino yan?” Tanong ko sa kumakatok. Katok pa rin ng katok sa pinto. “Sino sabi yan eh. Bakit ayaw mo kasing m

