Chapter 13 Raiya's Pov Sinuot ko na agad ang pulang t-shirt at ripped jeans ko. Nilagay ko na lang ng maayos ang dress at heels kong gagamitin sa gabi baka sakaling makasali ako sa victory balls. Nag ayos muna ako sa aking sarili. Humarap muna ako sa salamin saka ng lagay ng mga kolorete sa aking mukha. Biglang lumitaw si tito Lucas sa pintuan ko. “Ano tapos ka na ba dyan anong oras na?” Tanong bigla ni tito Lucas sa akin. “A-ah. Patapos na po tito saglit po tatayo na ako pag naisuot ko itong rubber shoes ko.” Saad ko Yumuko ako ang inabot ko ang sapatos mukhang mahirapan akong abutin dahil sa sakit ng balakang ko. Biglang lumapit si tito at inabot ang sapatos ko para siya na ang gagawa. “Akin na paa mo ako na mag lalagay.” Wika ni tito Lucas sa akin. Bigla na lang ako napatingi

