Chapter 1

2152 Words
CHAPTER 1 Raiya’s Pov “Raiya,tulongan mo nga kaming magbaba ng mga tabako nasa kuliglig para madali na tayo anak.” Sigaw ni mama Elena sa akin habang nasa kusina ako uminom ng tubig.. “Opo mama papunta na po ako dyan.” Sagot ko naman kay mama Nagtungo ako palabas ng bahay para tulungan na sila mama at papa pag baba ng tabako. Umakyat ako sa kuliglig at dinampot ko ang mga dahon ng tabako at niyakap pababa at nilapag sa tolda na plinatag ni mama sa lupa sa loob ng pugon. Ilang balik din ako sa paghahakot tapos nilapag ulit namin doon. Ng natapos nag pagtawag na si mama kung sino magtutudok ng tabako. 20 pesos ang bawat tudok ng lihira ng stick. Madaming naki tudok sa pugon namin at isa na ako sa sampung tao nila. Binigyan ko ng mga stick na gamit nila sa pag tusok sa dahon ng tabako. “Napaka sipag mo naman Raiya tumutulong ka pa rin sa mga magulang mo dito kahit pagod ka na Raiya.” Sambit ni Aling Mona sa akin. “Okay lang po Aling Mona kailangan ko pong tumulong sa mga magulang ko .” Saad ko sa kanya habang nag iikot ako nagbibigay ng stick. “Manang Elena pwede na itong mag asawa si Raiya sa ganitong kasipag talagang magugustuhan siya agad ng mapapangasawa niya at napakagandang dalaga pa ito.” Sambit ni Aling Myra kay mama Elena. “Huwag hindi pa yan mag aasawa dalaga namin ay may pangarap yan sa buhay kailangan niyang magtapos ng pag aaral sayang naman ang naitulong ng tito Lucas niya na nandoon sa Saudi.” Sagot ni mama Elena sa kanila habang inaayos ang mga tabako sa gitna nila. “Ano bang kursong kinuha mo Raiya?” Tanong ni Aling Mona habang nagtusok ng tabako. “BSBA po 4 years course po.” Sagot ko sa kanya habang nakatayo ako . Umupo na ako sa bangkito at kumuha din ako ng stick at para mag tusok ng dahon ng tabako. “Joh,john wag ka nga magtatakbo dyan baka ikay matusok ng stick dito.” Saway ni mama Elena sa kapatid kung makulit. Hindi nakikinig si John,John sa pagsaway ni mama sa kanya. “John, sinasaway ka ni mama matusok ka dito agtalna kaman.” Saway ko sa kanya Nakinig din siya sa akin at umupo sa tabi ko. “Ate Raiya tulong na lang po ako mag tusok ng tabako.” Saad niya sa akin. “Wag na John ma dikit sa kamay marami pang uuod sa dahon.” Aniya ko sa kanya habang nag tusok ako ng tabako. “Kuhaan mo na lang ako ng tubig na inumin nauuhaw si ate.” Utos ko sa kanya “Pahingi muna ng limang piso ate pambili ko ng chichirya ate.” Saad niya sa akin na may kapalit pagkuha ng inumin ko. “Kuhaan mo muna ako tubig doon para bigyan kita ng limang piso.” Sagot ko naman sa kanya. “Sige ate ha kuhaan kita basta bigyan mo ako pera.” Saad niya ulit sa akin. “Oo nga kulit eh basta dalhan mo ako bote ng inumin ang malamig ha John.” Sambit ko sa kanya. “Opo kukuha na ako sa bahay.” Wika niya John sa akin. Tumakbo siya pauwi at kumuha ng maiinom ko. Tumayo ako at inayos ko ang mga tapos ng natusok na mga tabako at pinagilid ko. “Raiya si John?” Tanong ni mama sa akin. “Inutusan ko ma pakuha ako ng tubig nauuhaw na ako ma.” Saad ko sa kanya. “Ito pala ma si John may dala na tubig ko.” Sambit ko “Ito na ate tubig mo limang peso ko muna.” Saad niya sa akin habang naniningil sa akin. “Napaka segurista mo ayaw mo ibigay tubig ko pag hindi muna makuha limang piso mo. Oh ito na limang piso mo.” Aniya ko sa kanya habang inabot ang limang piso sa kanya. “Salamat ate .” Ngiting tagumpay siya naka kuha ng limang piso niya. Tumakbo sa tindahan at bumili ng chichirya. Kinuha ko ang bote saka ininom ang tubig sobrang uhaw ko na naman ang sarap uminom ng uminom ng malamig na tubig. Dumating si papa galing bayan may dalang tinapay pang snack ng mga taong nag tusok ng dahon ng tabako nila. “Mag snack muna kayo dito may tinapay akong dala.” Aya ni papa sa mga taong nasa loob ng pugon. “Hay salamat may snack na tayo ngayon.” Sambit ni manong Ekong. “Halina kayo mag tinapay muna kayo dito.” Alok ni mama sa mga tao nasa loob ng pugon. “Papa, tinapay ko po nasaan ang akin.” Tanong ni John kay papa Carlos “Ikaw pa mawawalan syempre meron ah ito sayo anak bigyan mo ate Raiya mo.” Saan ni papa kay John. “Akin lang to papa.”Sabi ni John kay papa. “Huwag kang madamot John bigyan mo ate mo.” Wika ni papa kay John. Biglang nakasimangot si John gusto niya angkinin lahat ng tinapay na binili ni papa sa aming dalawa. “Pahingi si ate John.” Saad ko sa kanya habang nakaupo pa ako sa kinauupuan ko. Biglang tumingin si John sa akin. Lumapit at naawa sa akin kaya bingyan ako ng tinapay. “Ito po ate .” Sabay abot sa tinapay sa akin. “Salamat John love,love yan ni ate Raiya.” Aniya ko sa kanya. Ngumiti ang bata kong kapatid sa akin. “Raiya mag pahinga ka na wala ka pang pahinga simula kaninang madaling araw.” Saad ni mama sa akin. “Tapusin ko lang ito mama nasa harapan ko na tabako uuwi na din ako ma sa bahay.” Wika ko kay mama habang nagmamadaling tinutusok ang dahon ng tabako ng stick. Sobrang baho ko na pala ng pawis kaninang madaling araw at ngayon ang aking damit na suot. Ng natapos na ako ay iginilid ko na ang natapos ko ng na tudok na mga tabako. Tumayo ako at nag pahinga sa upuan ng kuliglig namin na nakatambay sa gilid ng kalsada. Tinanggal ko ang aking bonet sa aking ulo at iniwagwag ko ang aking mahabang buhok. “Raiya napakaganda mo talaga kahit madungis ka pa ngayon.” Wika ni Theo sa akin na kababata ko din. “Lolo ka talaga Theo inaasar mo na naman ako.” Sagot ko sa kanya “Ligo ka muna kasi para mabango at malinis ka na puros pigkot ng tabako ang mga damit mo.” Pabirong sabi niya sa akin. Hindi ko ininda ang panloloko niya sa akin hinayaan ko lang siyang asarin niya ako. Ilang minuto umuwi na ako para makaligo na din ako sa bahay. Habang naglalakad ako binibiro ako ni John.. “Ate ,mabaho,ate mabaho.” Tusko niya sa akin Hinabol ko siya at ipinahid ang damit ko sa kanya. Nagalit siya ng naabutan ko siya at umiyak. Huuh,,huuhh,.. Si ate Raiya pinahid sa akin damit ang mabaho niyang damit. “Mama , si ate oh.” Sumbong niya kay mama. “Ano yan Raiya?” Tanong ni mama sa akin “Kasi mama si John umuna mama.” Sumbong ko din sa kanya “Pareho ko kayong pang umpugin dalawa dyan.” Sigaw ni mama sa aming dalawa. “Ikaw ka John eh napagalitan tuloy tayo.”Wika ko sa kanya. “Bahala ka na dyan hindi kita papansinin Joh.” Saad ko sa kanya habang naglalakad ako papuntang bahay. Dumeritso na ako sa sampayan at kinuha ko ang tuwalya naka sampay sa labas ng bahay. Dali- dali na akong pumasok sa bahay at diretso sa banyo para maligo na ako. “Hmm.. amoy maasim na talaga ako tama nga sinabi ni John ang baho ko na. Buong hapon ako nasa initan para mag harvest ng tabako.” Sambit ko sa sarili. Kailangan ko mag dalawang paligo para matanggal ang baho ng aking katawan. Mag gagabi na nagluto si mama ng masarap na ulam dahil naka pag harvest na kami ng tabako pinaghirapan namin tinanim. “Wow! Daming ulam po mama parang fiesta ate Raiya .Yehey..” Saad ni John sa amin na masaya dahil sa mga pagkain sa lamesa. “Kakainin natin ito lahat mga anak dahil masagana tayo ngayon sa pag harvest ng tabako. Nagpapasalamat din tayo sa maykapal at kay tito Lucas ninyo na tumutulong sa atin.” Saad ni mama Elena sa amin habang nasa hapag kain kaming apat. “Magdasal muna tayo mga anak para magpasalamat sa biyaya.” Saad ni mama sa amin. Panginoon maraming salamat sa mga biyayang ito ay aming pinapahalagahan sapagkat sa iyong kabutihan at kapangyarihan nag buhat sa lahat. Nagpapasalamat kami ngayon ama sa mga tinatamasa naming ngayon na masaganang ani ng tabako. Lagi nyo pong alalayan ang aking kapatid na nasa ibang bansa na isang tumulong sa amin. In Jesus name .Amen “Mama, hindi pa talaga namin nakikita si tito Lucas mama kahit sa picture lang po.”Aniya ko kay mama habang nasa hapag kainan kaming apat. “Madalang lang kasi nag co -contact dito sa akin.” Sagot ni mama sa akin nag sandok ng kanin. “Ganun po ba.” Saad ko “Pero napakabuti niya mama sa atin dahil lagi niya tayong tinutulungan po kahit sa pag aaral ko siya din tumulong sa akin sa pagtungtong ko ng college ngayon.” Aniya ko kay mama habang kumakain kami. “Kaya anak mag aral ka ng mabuti dahil sinusuportahan ka ng tito Lucas mo.” Sambit din ni papa sa akin. “Alam mo anak kahit mawala kami sa piling niyo tanging hiling lang namin ay makapag tapos kayo ng pag aaral ni John.” Saad ni papa sa amin habang nasa hapag kainan kami. “Opo papa lagi naming isipin ang pag aaral ang pinakamahalaga at ang pamilya po .” Sagot ko sa kanila. “Kumain na nga tayo ang sarap ng pagkain natin ngayon mas lalong ganahan si John kumain dahil may lechon manok na favorite niya.” Pabiro ko sa kapatid ko. “Akin lang yang manok na ulam yan ate Raiya wag kang kumuha dyan tatlong araw ko yan uulamin ilalagay ko sa refrigerator para may pang ulam pa ako.”Saad ni John sa akin na para pang ayaw pa mamigay ng ulam na lechon. “Hahahhaha… Ayaw mamigay bawal magdamot dito John sasakit tiyan mo.” Pabiro ko sa kanya para mamigay siya sa lechon. Sinamangutan niya ako at ang sama ng tingin niya sa akin dahil sa sinabi ko sa kanya. “Magbigay ka John lahat naman yan para sa atin. Pag na ubos bibili ulit tayo pag may pera.”Saad ni mama kay John. Biglang natauhan si John sa sinabi ni mama . “John, wag ka ng ganun dapat magbigayan nga kayong magkapatid dahil dalawa lang kayo magdadamutan pa talaga.” Wika ni papa kay John. “Sorry po papa hindi na po mauulit papa.” Saad niya habang humihingi ng sorry “Ate ito na o yung lechon manok kuha ka na. Basta tirhan mo ako para bukas ha.” Wika niya sa akin pero may kondisyon. “Oo ba mag titira ako ng uulamin natin para bukas John wag kang mag alala.” Aniya ko sa kanya. “Salamat ate Raiya.” Saad ni John sa akin. “Kain ka na John dami pang ulam may nilagang baboy pa .” Alok ni mama sa kanya. “Mama haan ko kayat ata ti sida na nilagang baboy dajay lechon mayat ti sida me.” Saad ni John sa mama niya. (Wikang ilocano). “Kumain ka din ng may sabaw at may gulay para lumakas ka din John.” Sabi ko sa kanya. “Ayaw ko nga ate ikaw na lang.”Sagot niya sa akin. Natapos kaming kumain tinulungan ko si mama mag ligpit ng kinainan namin. Ako na lang ang nag hugas ng pinggan para maka pahinga na din si mama. Ng natapos na akong mag hugas ay umakyat na ako sa kwarto ko para mag plantsa ng mga uniform ko na gagamitin sa school. Pagkatapos kung nag plantsa ay inayos ko na din ang bag kung gagamitin at ang mga notebooks ko. Habang hindi pa ako nina antok ng study muna para sa mga lesson bukas . Kailangan ko din pagtuunan ang Steno na major namin subject. Ilang oras din ang pag aaral ko sa mga libro para may ma tutunan ako sa mga lecture ko. Tumingin ako sa relo mag alas diyes na pala ng gabi. Kailangan ko ng matulog para bukas. Itinabi ko na mga gamit ko sa table para madali ko lang madampot pag ka alis ko. Kaya pala inaantok na ako gabing gabi na pala. Pinatay ko ang ilaw na malaki at sinindihan ko ang lampshade kung maliit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD