CHAPTER 1
“Inaaaaay! Itaaaaaay!” Halos mag wala ako sa lapag habang inililibing na silang dalawa. Hindi talaga sila napag hiwalay maging ni kamatayan.
Paano na ako? Paano ko aayusin ang sarili ko? Ngayong alam ko nang hindi naman pala nila ako tunay na kapamilya. Mas lalo na akong a-apihin ng mga pinsanin ko at ni tiya Rona.
"Oa ka masyado Ineng!” Sigaw ni tiya Rona. “Sumama kana sa hukay kung gusto mo oh!”
“Hindi ba pwedeng mag drama tiya? Nalulungkot ako sa pag panaw nila. Kinupkop nila akong dalawa kaya naman—” Pangangatuwiran ko na hindi naman na pinatapos ni tiya Rona.
Intrimitida talaga ang bwiset kong tiya!
“Ako nga na anak hindi umiiyak eh.”
“Mas mukha pa nga po akong tunay na pamilya kaysa sainyo ng mga anak mong impokrita.” Bulong ko bago muling napasulyap sa kabaong nila Itay at Inay hanggang sa huling pagkakataon.
Mariin akong napapikit upang humiling na sana ay gabayan parin nila ako. Sana mahanap ko 'yung pamilya ko na nag iwan sa 'kin sa tabi pa mismo nang dumi ng kalabaw.
Tulala akong naupo. Kauuwi lang namin galing sa huling hantungan nila Inay at Itay. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwalang wala na sila, at wala na akong super hero. Maaapi na ako nila tiya Rona, parang si Cinderella lang.
"Nasabi naman sayo ni Inay at Itay na ampon ka?"
Napatango ako sa tanong ni tiya. "Pero tiya Rona kahit naman hindi ko kayo totoong pamilya wala naman sa akin 'yon eh."
"Hindi ka pasarap lang dito Ineng. Ikaw ang maglilinis, mag lalaba, mag huhugas plato. Naiintindihan mo ba 'ko? Basta lahat gawin mo."
Bilin ni tiya Rona. Inaasahan ko naman na ito kaya hindi na ako nagulat pa.
"Tiya Rona gusto kong hanapin ang pamilya ko.” Malungkot kong sabi. "Baka kasi mayaman sila tapos ako pala nag i-isang heredera parang 'yung napapanuod ko ho sa TV?"
Malakas akong tinawanan ni tiya. "Anga! Tinapon ka nga tapos i-isipin mo mayaman ka? Baka kaya ka tinapon kasi wala kang pang gatas, at isa pa baka malas ka.”
"Makamalas naman ho kayo. Hindi naman ho siguro, baka ibang dahilan lang.” Pinipilit kong palakasin ang aking loob.
"Tama na pagiging anga mag linis kana agad.” Mataray na utos nito na ikinatango niya.
“Aalis ako at makikipag sapalaran..” Bulong niya sa sarili bago inumpisahang kuskosin ang lapag.
Ilang araw palang na wala ang kinalakihang kong Lola't Lolo ay para na akong namumuhay sa impyerno dahil sa pagiging maitus nila tiyang Rona. Kaya naman desisdido na talaga akong umalis! Dala ang inimpake kong mga damit ay nakataas ang pagmumukha ko ng titigan ko ang mga pinsan ko maging si tiya Rona. " Hindi ako babalik hanggat wala akong maipag mamalaki sa inyo! Tandaan nyo 'yan!" Sigaw ko bago hinaltak ang maleta ko.
Ngunit hirap na hirap ako dahil ayaw gumulong ng isang gulong. Tangay ang isang libong pisong pamasahe ay linisan ko ang aming lugar. Bahala na kung saan ako mapunta, basta ang mahalaga mahanap ko ang mga magulang ko.
Nalala ko ang sinabi ni Inay na tunay ang kwintas kaya naman ito nalang ang nasa i-isip kong paraan na ibenta o isanla kapag wala na talaga akong pera.
Nababa ako sa isang mausok at mataong lugar. Lumapit ako sa isang lalaki at kinalabit ito. “Kuya ito ba'y manila na?” Napakamot pa ako sa aking pempem dahil nangangati.
Kakaahit ko lang kasi.
"Manila na 'to.” Sagot ni kuya kaya naman napatango ako. “Bago kalang, iha?”
“Matagal na ako sa mundo, pero dito sa maynila bago pa lamang.” Sagot ko.
Napahawak ako sa aking tiyan. “Nagugutom na ako.” Bulong ko bago napaupo sa isang gilid.
Lilinga-linga lang ako habang nakatanaw ng makakita ako ng lalaking humahangos dahil may hinahabol ito.
"Help! Somebody help me! Magnanakaw 'yon!" Sigaw niya kaya naman napatayo ako.
Agad akong tumayo at hinabol ang magnanakaw. Sabi kasi ni Inay at Itay maging matulungin ako. Agad ko itong nahuli dahil sa mabilis akong tumakbo. “Ibalik mo kinuha mo!” Sigaw ko bago inilahad ang aking kamay. "Ke babae mong tao ganiyan gina—” Natigilan ako ng isuot n'ya sa 'kin ang sumbrero niya at ibigay ang wallet.
“Hoy!” Sigaw ko dahil naiwan pa pati sombrero.
“Magnanakaw!” Galit na hinablot ng lalaki ang wallet sa akin.
“Tumakbo—” Hindi na ako nakapag patuloy.
“Ikulong nyo ang babaeng 'yan!”
Nanlaki ang mga mata ko. “Sandali ho hindi ako—”
“Mali ka ng ninakawan. Abogado ako at kaya kitang bulukin sa kulungan babae.”
Nag lumpasay ako upang hindi ako makuha ng pulis. “Maawa ka sakin hindi ako magnanakaw.. Hinahanap ko lang mga magulang k-ko.” Pinag kiskis ko ang aking palad.
“Bakit mo hinahanap?”
“Malamang nawawala. Hahanapin ko ba kung alam ko kung nasaan sila? Labo mo naman eh.”
"Taga saan ka?” Seryosong tanong pa nito.
"Taga earth.”
“Ikulong nyo nalang pala.” Walang emosyong utos nito sa mga pulis bago tumalikod.
Nakakabwiset kasi eh! Paanong hindi mo pipilospohin e, tinulungan ko na nga ponag bintangan pa ako? Hirap na talaga mag magandang loob sa ngayon. Mahirap din naman 'yung chaka ka na nga chaka pa pag u-ugali? Ayaw ko naman nang ganun.
"Hayaan mo akong mag paliwanag." Pakiusap ko bago hinawakan ang laylayan ng kaniyang suit.
"Don't touch me." Napairap ito. "Sige pakawalan nyo na maawain naman ako eh."
"Ako din, pero 'di ko pinag mayabang." Pambabasag ko sa trip nito bago ngumiti.
Kala n'ya ha! Kayan-kayanan ako porket mahirap na nilalang lang ako?
Che! Walang api-apihan ngayon gera kung gera.