"Bote! Bakal! Diyaryo!" Halos mapatid na litid ko sa lalamunan kakasigaw. Mukhang magiging matumal ang Kalakaua ngayon. Tagaktak na pawis ko wala parin akong nakukuha na madami. Ganito din pala talaga kahirap ang maging basurera ano?
"Sumama ka sa amin."
Napataas ang kilay ko sa mga pulis na lumapit sakin. Ano na naman bang meron? Wala naman akong ninakaw eh.
"Bakit muna?"
"Basta sumama ka."
Akmang hahawakan na ako ng mga ito ng sumigaw ako. "Tulong! Tulong po!" Sigaw ko.
Baka naman kasi i-salvage ako?
"Sige na ako na bahala."
Sabi nang lalaki na bigla nalang bumaba sa kotse. S'ya 'yung lalaki na tinulungan kong mabawi ang wallet tapos ako pa 'yung pinag bintangan. Buhay ng naman oo! Bakit nandito na naman s'ya? Balak na naman yata akong guluhin.
"Bulag ba kayo? Kita nyo namang nag hahanap buhay 'yung tao oh!" Napailing ako sa inis bago akmang itutulak ang kariton ng pigilan ako nito.
"My name is Santi, and I'm a lawyer." May pinakita itong ID sa akin. "Sumama ka sakin may pag u-usapan tayo." Hahawakan na n'ya ako sa braso ng umiwas ako.
"Hindi nga ako 'yung magnanakaw ng wallet mo." Depensa ko habang matalim ang titig sa lalaki.
"Hindi iyon ang tinutukoy ko, basta sumama ka nalang."
"Hindi ko nga alam pangalan mo eh." Angal ko.
"My name is Santi, are you deaf?" Yamot nitong tanong.
Sorry naman nalimutan agad.
"Mukha ba akong dahon?" Mataray ko din na tanong. "Umalis na nga kayo at mag hahanap buhay pa ako.
"Deaf not leaf," pag ta-tama nito sa akin.
Parehas lang 'yon.
"May papulis-pulis kapang nalalaman mukha ba akong kriminal?"
"Naninigurado lang dahil baka mali ako ng iniisip." Naiiling pa ito bago ako hinila papasok sa kotse. "Ang baho mo," reklamo pa nito.
Abah! Natural basurera ako eh!
"Naligo ako nung isang araw papansin ka." Yamot na sagot ko bago sinuri ang loob ng sasakyan. "Akalain mong may TV din pala sa kotse," natawa pa ako. "Akala ko kasi sa bahay lang."
"Shut up. I think dapat muna tayong dumaan sa salon para maging maayos ang pag harap mo kahit paano." Nandidiri itong napasulyap sakin. "Pero wag kang mag assume." Dagdag pa nito.
"Hindi rin naman ako assumera." Depensa ko.
"Yeah, basurera lang."
"May galit kaba sa basurera? Bwiset ka, baka itumba kita." Banta ko.
"Ang mga taga probinsya talaga walang galang."
Mas uminit ang ulo ko. "Kasi hindi ka naman kagalang-galang."
"At nag salita ang kagalang-galang." Mahinahon nitong sagot bago nag focus na sa pagmamaneho.
Sa salon n'ya ako dinala. Pagagandahin pa ako e, masaya naman na ako sa itsura ko. Simplicity is a beauty sabi ng iba.
"May nakapasok na pulubi!" Sigaw ng bakla. "Guard!"
"Excuse me, kasama ko s'ya." Mabilis na sabi ni Santi bago ako pinakilala. "Ayusan mo s'ya at paliguin mo na din." Napangiwi pa ito ng muling bumaling sakin.
Iniwan na ako ni Santi. Bwiset anong ibabayad ko dito? Wala pa naman akong nabebentang kalakal, tsaka may pangako ako kay Petit. Bibili ko s'ya ng fried chicken.
"Alam mo ang swerte mo." Sabi ng bakla kaya napakunot nuo ko.
"Swerte saan? Malas nga ng araw ko."
"Ang pogi ng kasama mo ano mo pala s'ya?"
"Ewan hindi ko naman kilala 'yon." Nangulangot ako. "Kati ng ilong ko dami yata kulangot." Sabi ko.
"Gross!" Sigaw ng bakla na masuka-suka pa.
"Ang arte mo naman para kang hindi nangungulangot." Natatawang sabi ko.
Pinaligo n'ya ako bago may ginawang kung ano-ano sa akin.
[Santi POV]
Nasa babaeng 'yon nga ang kwintas na ipinakita ni tita sa akin. Ngunit bakit sa isang basurera pa? S'ya ba talaga ang totoong anak ng mag asawa?
"Ok na ba?" Tanong ko sa bakla na nag ayos sa babae.
Wala pang balita sa inutusan kong investigator kaya naman nangangapa parin ako sa babaeng ito.
"Naging tao na sir." Sagot ng bakla bago inilabas 'yung basurera.
"Bakit naman ganito suot ko? Hindi ko makakamot ng mabuti itong—" Natigilan ito at bumulong sakin. "Itong bagong ahit na hardin."
Mariin akong napapikit bago binayaran na ang bakla. "Tara na," hinila ko s'ya palabas.
"Suot mo ba 'yung kwintas?"
"Ah, oo pero baka isanla ko mamaya wala na kasi kaming bigas."
"Isuot mo lang may mga itatanong sayo ang mga taong ipapakilala ko."
Tumango na lamang ito kaya naman nag focus na ako sa pagmamaneho.