Nakakapaghinayang dahil sa mabilis na pagtakbo ng oras. Masyado kasi kami nalibang nina Myca at Giselle sa aming pagkwe-kwentuhan habang abala naman sa pag-iinuman ang mga lalaki na kasama namin. Kahit nga ang dalawang inaanak ko ay nakatulog na sa sofa dahil matinding pagod mula sa kanina pa nilang paglalaro. "Aissh! Ano ba iyan? Ang dami ko pang kwento sa inyo eh," nakangusong sambit ni Giselle nang mapansin na rin ang oras, "Kaso pagabi na eh! Kailangan ko na umuwi dahil sa mga bata." "Kaya nga," sumasang-ayon naman na komento ni Myca at kita ang hindi pagkakuntento sa araw na ito, "Minsan na nga lang tayo magkita kita. Tapos kinulang pa yata." Malakas na napabuga kami ng hininga. Pare-pareho kasi namin alam na matatagalan ang susunod namin na pagkikita kita. Magsisimula na kasi ma

