Nangilid ang luha sa aking mata. Hanggang hindi ko na lang namalayan na palundag na niyakap ko si Apollo at binigyan siya ng mahigpit na yakap. Mabuti na lamang ay nasambot niya ako kundi pareho kami natumba na dalawa dahil sa aking ginawa. "S-Savannah, hindi ka na ba galit sa akin?" umaasang tanong ni Apollo bago mahigpit na yumakap sa akin pabalik. Iniling ko naman ang ulo ko. "Hindi naman talaga ako galit sa iyo, Apollo. Aaminin ko na medyo nagtampo lang ako dahil nakalimutan mo ang monthsary natin pero nauunawaan ko naman ang dahilan," pagpapaliwanag ko, "Alam ko naman kung gaano ka ka-busy na tao." Narinig ko na malakas na napabuga ng kanyang hininga si Apollo. Tila nakahinga siya na malaman na hindi naman ako galit sa kanya katulad ng pinalalabas kanina ni Zeus. Dahil doon ay sini

