"Savannah!" Tuwang tuwa na pagbungad sa akin ni Giselle bago binigyan ako ng mahigpit na yakap. At siyempre bilang mabuting kaibigan ay gumanti ako ng yakap sa kanya bago buong saya na nagpalundag lundag kami roon. Kaya hindi nakakapagtaka na para tuloy kami mga timang na pinagtitinginan ngayon ng ibang namamasyal sa mall. Kung umasta kasi kami ay tila ilang taon kami hindi nagkita na dalawa. Kahit ilang linggo pa lang naman ang nakalipas dahil may kanya-kanya kami na pinagkakaabalahan nitong nakaraan. Nagkataon lamang na nakapag-usap kami ni Giselle na magkita ngayon sa mall dahil na rin sa plano nina Myca at Percy na magpa-baby gender reveal party sa kanilang bahay. Kaya naisip namin na dalawa na sabay na bumili ng aming ireregalo sa mag-asawa. "Grabe! Namiss kita!" madamdamin na s

