Chapter 1

1607 Words
1 "Ako lang ba? Ako lang ba nanga'ngarap na sana buo rin pamilya ko?" "ang hirap naman,bakit kasi sa akin sinusumbat lahat sa ngyari?" "Wala naman akong alam sa ngyari sa magulang ko. pero bakit ganito?" "Wala kang kwenta! pabigat ka talaga dito sa bahay!" sigaw ng lolo ko sakin. "puro kanalang cellphone! imbes mag hugas ka ng plato at mag laba! Hindi yung ganito nalang lagi!" pag patuloy niya pa. Sanay na ako sa mga sinasabi nila sakin, pero bakit ang sakit padin? yung marinig mo mismo sa pamilya mo yung mga masasakit na salita. Pinagpatuloy ko parin ang pag hugas ko ng plato, nakalimutan ko kasi may ginagawa kasi ako ginagawa ko yung assignment ko bukas na kasi pasahan kaya ganon. bigla ako may narinig na yabag at bigla nalang ako hinampas ng plato sa ulo hindi na ako nagulat sa ginawa niya "ayan hugasan mo rin yan! puro ka nalang cellphone! i tapon ko yang cellphone mo eh!" sigaw ni lolo. Lagi kong tinatanong sa sarili ko kung bakit ganon nalang mga sinasabi at ginagawa nila sa akin? una sa lahat hindi ko naman kasalanan kung bakit ako nabuhay dito sa mundong ito, pangalawa kasalanan ng magulang ko to! bakit ganon? imbes sa magulang ko sila magalit! bakit sa akin? Umakyat na ako sa taas hindi pa ako kumakain pero ayoko na bumaba. "Wow! Totoo ba yan? oh baka naman kunwari lang yan? Ano ba talaga gusto mo mangyari sa buhay mo ha! Aly!" sigaw sakin ni lola. Napa yuko nalang ako at pinipilit huwag umiyak. "Hindi kona alam anong gagawin ko sayo! ipapadala na kita doon sa nanay mo—" sabi ni lola. "Ma! Ayoko! please!" sabi ko habang umiiyak. "Mag aral ka ng mabuti! mag 18 kana ano ba aly! kelan kaba titino?" tanong niya sabay hampas sakin. matino naman ako ah? Sino hindi mag aaral ng mabuti? eh ganito kayo lagi sakin! ginawa niyo akong katulong dito sa bahay! halos ako na rito lahat gumagawa tapos nag rereklamo pa kayo! umakyat na ako sa double bed at matulog kasi bukas maaga pa ako gigising para mag saing at mag luto ng ulam. tumalikod ako kay mama at nag sisimula nanaman umiyak. pa? nasaan kaba? kunin mona ako dito please! ayoko umuwi sa probinsya! ayoko sa ugali ng asawa ni mama. mag debut na ako pa wala ka parin hindi ka parin nagpapakita at nagpakilala. nagising ako dahil sa uhaw at gutom na rin dahil hindi ako kumain kagabi, pag tingin ko ng oras mag alas singko na pala sakto lang pag gising ko. kaya dahan dahan ako bumaba sa kama at sa hagdan at nag simula na mag saing at nag pa init narin ako ng tubig, nilabas kona rin yung manok at nagsimula na mag luto. Pag tapos ko lutuin ang ulam uminom muna ako ng kape bago maligo. Habang naliligo ako iniisip ko yung mga na memoriez ko kagabi para hindi ko makalimutan. Pag tapos ko maligo nag bihis at chineck ko yung phone ko kung may chat naba si ayi at jane. May sariling uniform yung TVL naka maiksing palda at naka white na Long sleeve. umakyat ako sa taas para humingi ng baon kumain narin naman ako kaya hindi na siguro ako magugutom mamaya. "Ma" pabulong kong tawag. "Hmmmm, ayan oh isang daan." sabi niya at binigay sakin yung 100 peso. Hindi na ako nag reklamo at baka magising si papa at papagalitan nanaman ako. "Magkano baon mo ngayon?" tanong ni jane sakin. "100,ikaw?" pabalik na tanong ko sakanya. "Ay 150 akin tapos may dala akong pagkain hati tayo nila ayi" sabi niya. napangiti ako sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na pati dito sa senior high magka klase kaming tatlo dahil nuong highschool kami magkahiwalay section namin. Grade-11 kami ngayon at sana makapasa kami para sa college! dumaan kami ni jane sa bahay nila ayi malapit na to sa school namin eh. "aly anong ganap sa birthday mo?" tanong sakin ni ayi. "Ewan ko..Wala yata hehe" sabi ko at ngumiti nalang. "Shempre meron yan no! mag 18 kana eh" sabi ni jane. hindi nalang ako nagsalita dahil ako din hindi koalam kung meron ba oh wala. Nakarating na kami sa school namin at pumasok na sa isa pa namin room dahil andon sila buti nalang hindi kami late. Kinakabahan ako Dahil mag re-report ako sa Filipino pero kinakabahan ako dahil mataray si maam kharisma. "Okay bubunot kayo ng number para sunod sunod na!" mataray niyang sabi. Bumunot na ako nagulat ako sa number nakuha ako! s**t! bakit number one??? napa lunok nalang ako. God guide me please! "Sino number one? harap na dito para sunod-sunod na! Ano ba yan bingi ba kayo?" sigaw niya kaya tumayo na ako at humarap sakanila. "Oh? Ms sebastian ikaw pala" sabi niya. "Hi my name is Aly cassandra sebastian at ito ang aking report " pagpapakilala ko at sabay tingin sa manila paper. pag tapos ko mag report. Nag simula na mag tanong si maam buti nalang nakakasagot ako pero sa last hindi ko na sagot ang tanong niya dahil wala naman sa lesson namin. binigyan niya ng percent yung report ko buti nalang hindi siya bagsak. nakakainis! lahat ng classmate ko nung grade 10 hiwalay-hiwalay Na kami ngayon. Nung first day nakilala ko si edchelle tapos sila shi rin at Jade, naging close ko sila. bestfriend kona sila ayi at jane since grade-8 kami. Dito lang ako sa school masaya at walang inaalalang problema dahil nakakasama ko mga kaibigan ko. Miss kona rin sila udeng at tame. Breaktime nanamin ngayon Bumaba si ayi para bumili kasama sila Thea, Kami naman ni Jane andito lang sa loob ng room kasama namin sila Rona at shedney. Nagpasabay nalang kami nagpabili nalang ako ng tubig at Siomai dahil yun lang kaya ng pera ko buti nalang may dalang Pag kain si Jane. Habang nag aantay kami nag uusap kami nila Rona tungkol sa paparating kong birthday. "Aly Anong meron sa birthday mo? 18 kana yeahey!" masayang sabi ni Rona. "Hindi ko alam eh, tatanongin ko mamaya pag uwi natin." sabi ko at kumain na. Dumating na si Ayi dala yung pinabili ko sakaniya kaya nagpatuloy na kami nila jane kumain kasama si ayi. Ganito lagi routine namin at pag uwi namin susunduin ko pinsan ko na si margarette at dadaan kami saglit ng piso net para mag computer saglit. Last subject na namin ngayon at ipapasa na yung assignment namin. "Ms sebastian pwde ba kitang kausapin?" Sabi ni sir Romeo. "Okay po sir." sabi ko at sumabay sakaniya lumabas. Gen math teacher namin siya Gay siya pero hindi halata sa itsura niya. "Bakit po sir?" kinakabahan na tanong ko. "Muntik ka ng bumagsak sa gen math,Kelangan mo pa Talaga mag aral ng mabuti. Lalo na sa math, Gusto ko lahat kayo walang babagsak sa subject ko. Kaya sana pag butihan mo'pa ng mabuti okay?" explain ni sir romeo sakin. Napaka blessing ko naman sa Gen math teacher ko. napaka'hina ko talaga sa math. Umakyat na ako pag tapos non at inaantay na rin ako nila jane para umuwi na. "Ano sabi ni sir?" "Bagsak ka?" sabay na tanong ni jane at ayi. Ngumiti ako bago nag salita. "Hindi inexplain lang sakin si sir tungkol sa grades ko" sabi ko. tumango nalang sila at lakad na . Nasa piso net kami ngayon nila ayi napansin ko kanina pa siga tili ng tili kaya tumingin ako sa screen ng computer. "Ano yan ayi?" tanong ko sakaniya. "Ah DCT to sikat to sa korea at sa buong mundo! yiieee!" sabi niya sabay tili. Nakita ko sa screen na sumasayaw sila. pito sila at puro pogi nga! "ano mga pangalan nila?" tanong ko kay ayi. Ang ganda kasi ng mga kanta nila lalo na yung beat "Ah eto si Sehun kim siya leader tapos sunod naman si Daniel kim vocal siya rapper naman si Sehun tapos sumunod si Levi min main rapper siya tapos sumunod naman si Kurt jung rapper rin at dancer sumunod naman si Theo zion park vocal siya at dancer sumunod naman si Elijah tyler kim vocal rin siya at sumunod si Liam jeon." sabi ni ayi sabay turo kung sino-sino. Una kong napansin yung Elijah na sinasabi ni ayi. "Bakit yung iba. iba pangalan nila? katulad ng elijah,Theo,liam,Levi?" takang tanong ko. "Si elijah at theo,Levi half-filipino sila yung mga nanay nila yung pinay." sabi ni ayi. "Ah bet ko yung elijah ang tangkad niya tapos ang tangos ng ilong tapos yung mata niya grabe ang perfect!" sabi ko sabay tili! "Ay same bias tayo pero OT7 ako hehe" sabi niya. Pag tapos non pina share-it ko lahat ng kanta nila may subtitle naman kaya oks lang. nalaman ko sakaniya na yung pinapanood niyang kanta kanina ay yung 'blood sweat & tears' ang hot nila doon ha? Pag uwi ko ng bahay nag hugas ako ng plato at kumain na nag palit na rin ako ng damit at humiga na muna saglit. nakatulog ako nagising ako ng 5pm isang oras lang pala tulog ko, bumaba na ako para mag saing. balak ko rin tanongin si mama tungkol sa birthday ko. "Ma anong meron sa birthday ko?" kinakabahan na tanong ko. "Ikaw? Ano ba gusto mo?" tanong ni mama. kaya nagulat ako. "Gusto ko Ma mag mang inasal kaming tatlo nila ayi tapos i celebrate rin yung birthday ko sa sabado." maligayang sabi ko kay mama. Tumango lang siya kaya laking gulat ko na hindi ako pinagalitan. Chinat ko si Jane at ayi na kapag malapit na yung birthday ko kakain kami sa mang inasal tapos kapag birthday kona mag cecelebrate rin kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD