Chapter 35 - Meeting INAYOS NI SPARROW ang pagkakalagay ng espada sa sheath at sinipat ang iba pang mga armas. Inilibot niya ang tingin sa buong training room nang magsalita si Alton. "So, what's your story?" tanong ni Alton. Nasa Raekia Kingdom na ulit sila upang mag-ensayo. Nalaman na rin ng hari ang tungkol sa sikretong organisasyon at gumagawa na sila ng plano upang mas malaman pa ang pakay ng mga ito. "Ahm... the King taught me how to fight when he met me," naiiling na sagot niya. "And?" "That's it?" patanong na sagot ni Sparrow. "Really? What about your parents?" Napatigil si Sparrow sa pagtingin sa mga armas. "I can't remember. Nagising na lang ako isang araw na walang naaalala. Then I met Limea, the only girl who can see and hear me." "Kilala mo na si Limea noon pa?" tanon

