Chapter 46 "Bakit hindi mo siya puntahan?" tanong ni Catarina sa kaniya.. Napatingin sa kaniya ang kausap. "Huh?" Umiling-iling siya at sinabi. "Hindi ko kaya. Ayokong iwan ang lugar na ito. Marami akong tungkulin na dapat gampanan," aniya. "Ngunit bibisitahin mo lang naman siya, hindi ba? Itanong mo kung ano ang dahilan kung bakit hindi na siya nagsusulat. Baka mahikayat mo pa siya na magpatuloy." Ilang beses siyang nagdalawang-isip. Sa huli, sinunod niya ang babae. Iyon ang unang beses siyang aalis sa lugar na kinalakihan niya. At pangako niya sa sariling ito na ang huli. Ang hindi niya inaasahan ay ang pagkawala ng kaniyang ala-ala matapos ang proseso. Naisin man niyang bumalik ay hindi niya magawa dahil wala siyang maalala. Hindi niya rin maalala na sumama sa kaniya ang kaniyang p

