LOURDES'S POV:
Bago umuwi ay nakita kong lumiko siya patungo sa palengke.
Tumaas ang kilay ko roon.
Tss! Namamalengke kaya siya? Mukha naman kasing sa mall supermarket lang siya nagpupunta. Hindi halata sa hitsura niya na mamalengke.
Nang tumigil nga kami sa gilid ng palengke ay napaawamg ang labi ko.
"Nagkukulang na ang stock sa bahay, I have to buy some para hindi ka na mahirapan." Dere-deretso niyang sabi, bago bumaba ng kotse.
Agaran naman akong bumaba at bumuntot sa kanya, habang patuloy na pinagmamasdan ang buo niyang likod at kung paano siya kumausap sa mga tindera. Nakita kong nakikipagtawaran pa siya sa tindera na hindi ko namalayang napapangiti na pala ako.
Damn! Para lang akong nanunuod ng isang artista na namimili sa palengke.
Nawala ang focus ko sa kanya nang may lumapit sa akin.
"Lourdes!" Rinig kong tawag ng isang lalaki, kaya humarap ako sa kanang bahagi ko. "Ikaw nga!" Saad niya pa.
"Huh?" Sabay turo ko pa sa aking sarili.
"Naku! Ang ganda-ganda mo na lalo!" Tiningnan niya pa ako mula ulo hanggang paa, tapos muling tumitig sa akin.
Kahit ilang beses kong isipin ay hindi ko talaga maalala ang pangit na lalaking ito. Para kasi siyang sanggano na kawawala lamang sa rehas.
Hindi naman sa nanlalait ako, pero iyon talaga ang nakikita ko. Masama na bang mag-isip ng totoong hitsura niya?
"Hindi kita matandaan, e." Sabay ngiti ko ng kaunti.
"Oo nga, narinig ko nga sa mga dati nating kaklase na naaksidente ka raw at nagka-amnesia. Sana'y makaalala ka na." Wika niya na ikinangiti ko ng matamis.
Iyon talaga ang hiling ko, para mapuntahan ko na 'yung gagong tatay ng anak ko, na dinaig pa 'yung .ay utang sa akin sa galing magtago.
Hindi kaya may utang nga sa akin 'yon?
"Salamat" Wika ko. Muli akong napatitig sa kanya, ngunit mabilisan akong hinila palayo roon ng amo ko.
"H'wag kang nakikipaglausap kahit kanino!" Aniya nang parehas na kaming nasa loob ng sasakyan niya.
"Bakit naman? Sayang naman, kaklase ko pa naman iyon!" Maktol ko.
"Gano'n ba mga type mo?" Aniya na ikinalaglag ng panga ko.
"Ano? Seryoso ka ba sa tanong na 'yan?" Sabay tawa ko ng malakas.
"You were sweetly smiling at him!" Deklara niya na ikinangiwi ko.
"Syempre, alangan naman na umiyak ako sa harap niya!" Pangbabara ko sa kanya.
"Tss!" Rinig kong sabi niya, bago pinaandar ang sasakyan.
Pagdating sa bahay niya ay may naghihintay na babae. Kaya nang igarahe niya ang kotse ay nauna na akong pumasok sa loob ng bahay.
Mabilis akong nagtungo sa aking silid ang aking gamit saka nagpalit ng aking uniform.
Bakit ba ganito kaisi ang uniform ko? Para naman akong nasa mga pelikula nito, na mang-aakit ng amo. Kainis! Sinasadya niya kaya ito dahil talagang manyak siya? Puro naman kasi babae ang mga pasyente niya, parang wala pa akong nakitang babae.
Tss! Sa bagay, kahit na ako rin naman na pasyente, e mas pipiliin kong magpatingin sa kanya kesa sa iba. Gumaling na ako, nabusog pa ang mga mata ko.
Paglabas ko ng aking silid, binuksan ko agad ang telebisyon at itinakda sa isang music channel para aliwin ako habang ako'y naglilinis.
Nagumpisa na akong nagwalis ng sahig, at paindak-indak pa na sinasabayan ang musika, habang naglilinisa ako. Ngunit bigla na lang may pumasok na balita, at halos hindi ako makapaniwala nang mapatingin ako sa tv at makita kung sino ang tampok sa balita.
"Anong masasabi mo na ikaw ang papalit na ceo, Sir Anthony?" Tanong ng reporter sa lalaki na katabi ng tatay ng naging amo ko.
Ang kasiyahan ay mababakas sa mga mata ng lalaki habang siya'y tinatanong ng reporter. Kasabay nito, ipinapakita sa telebisyon ang lawak ng kumpanya at ang dami ng mga manggagawa nito na ikinanganga ko.
Sana all ceo! Grabe, sobrang yaman pala talaga nila.
Hindi ko mapigilang mapatitig sa may-ari ng dating kong pinagtatrabahuhan, na tumulong sa akin na maibalik sa dati ang aking mukha. Napakakisig pa rin niya manamit. Sa kanyang napakagwapong hitsura, sa tingin ko ay hinahabol siya ng mga babae noong siya'y bata-bata pa.
"Ano ang pakiramdam na ikaw na ngayon ang tanging magmamana ng inyong kumpanya? Nalulungkot ka ba para kay Jadia, ang iyong kapatid na namatay sa isang aksidente?" Tanong ng isang reporter, na nagpa-asim ng mukha ni Sir Anthony.
"No comment!" Aniya na busngot ang mukha, at pagkatapos ay umalis na, na siyang naging dahilan ng pagkakaputol ng balita.
Tss! Para sasagot lang, e. Hindi pa ginawa. Hmp! Makapagpatuloy na nga lang sa paglilinis.
"Ano namang sinisimnagot mo d'yan?" Biglang sabi ni Sir Danya na halos ikagulat ko.
"Ay, t*ti ng kalabaw!" Bigla kong nasabi, sabay takip ng aking bibig. "Si Sir naman, e! Ba't ka ba nanggugulat?" Pagharap ko sa kanya ay nakatopless na ito, kaya agaran akong napasinghap.
Bigla ay parang may eksenang nagflash sa aking isipan: Him being topless, at pawis na pawis. My hands automatically touched his shoulder, at sensual na hinalikan siya roon.
Shocks! Napapilig ako sa eksenang dumaan sa aking isipan. Nangyari ba talaga 'yon o masyado ko lang pinagpapantasyahan ang amo ko? Lumalala na ata ako, kailangan ko na rin atang magpaconsult sa kanya.
Nang muli kong siya'y mapagmasdan, isang bahid ng ngisi na ang namutawi sa kanyang mga labi.
Ano naman kayang trip ng amo kong ito?
"Nakaalis na po ba ang pasyente mo?" Tanong ko, gusto ko rin sanang itanong kung bakit wala siyang suot na pang itaas? Hindi naman sa pinagduduhan ko siya na may something silang ginawa noong babae, pero parang medyo gano'n na nga. Bakit naman kasi siya magtatanggal ng damit niya, at pawis na pawis pa ito na para bang may ginawa sa loob ng clinic niya.
Naku, Sir! Sayang ang b*yag, kung hindi sa akin mapupunta. Charot!
"Maliligo ako, can you get me a towel?" He said, then immediately turned and headed towards the backyard. It seems he's going to swim where the pool and jacuzzi are located.
Mabilis akong pumunta sa kanyang silid para kumuha ng tuwalya, ngunit huminto rin ako upang masdan ang disenyo ng kanyang silid na panlalaki. Nagtataka ako kung bakit walang kahit isang larawan ng kanyang asawa doon. Inakala ko na nasa loob lang ng kanyang silid ang mga ito, dahil wala rin akong nakita sa sala. Hmm... bakit kaya? Nang maalala ang towel ay mabilis akong kumuha sa cabinet niya, saka mabilis na umalis roon at nagtungo sa likuran ng bahay.
Halos tumulo ang laway ko nang masilayan ang pagstroke ng mga braso niya habang lumalangoy. Bawat galaw ay nagsisilabasan ang muscles niya na ikinaestatwa ko, at hindi namalayang nakatulala na akong napaupo sa gilid ng swimming pool.
I snapped back to reality when he suddenly jumped and appeared right in front of me, using his hands to brace himself on the edge of the swimming pool. At ang tubig ay deretsahang nagsitalsikan sa aking mukha. Halos mahigit ko ang aking hininga nang mamalayan na halos magkadikit na ang aming mukha, and he was staring intensely into my eyes, na halos ikalaglag ng aking panga.
Shocks, kaunti na lang ay magkakadikit na ang aming mga labi na lalong ikinabilis ng takbo ng aking puso.
Bii, ang pogi! Kung panaginip lang ito, please lang! Sana'y h'wag na akong magising.